• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbabalik na ang ‘Iconic Pair’ ng PH Cinema: Patikim ng bagong TVC nina JOHN LLOYD at BEA, inilabas na

NASA Instagram na ng Jollibee ang bagong TVC ng mga new Kapuso actors na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. 

 

 

Ito ang shoot nila two weeks ago na akala ng mga netizens na nakakita ay nagsu-shoot na sila ng movie nila sa Star Cinema.

 

 

Tiyak na ikatutuwa ng mga viewers ang usapan nila sa video na nabanggit pa nilang “mula sa puso” ang ginawa nila.

 

 

Actually, patikim pa lamang ang TVC nila dahil may short film pa ito na tiyak na magugustuhan ng mga fans ng paborito ninyong Iconic love team.

 

 

Titled One True Pair The Movie, abangan ang streaming nito sa December 1.

 

 

***

 

 

NAGSIMULA nang mapanood last Monday sa GMA Telebabad, ang romantic-drama series na I Left My Heart In Sorsogon, kaya naman bukod sa aabangan ang first time na pagtatambal nina Heart Evangelista at Richard Yap, ay ang new love team nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. 

 

 

Matagal na kasing binibiro ang dalawang youngstars simula nang mag-lock-in taping sila sa Sorsogon.

 

 

Maraming first para kay Mavy ang serye dahil first time niyang nagkaroon nito in three years na niya sa GMA Network, first time din niyang napalayo sa kanyang family nang matagal kaya laging umiiyak ang Mama Carmina (Villarroel) niya tuwing aalis siya for the lock-in taping at first time din niyang makasama ang mga co-stars niya, except for Kyline.

 

 

“It’s an honor to work with Ate Heart, Kuya Paolo and Kuya Richard,” sabi ni Mavy.

 

 

“Si Kuya Richard, friends ko ang mga anak niya kaya kilala ko na siya, pero sa first taping day namin, intimidated ako working with them, but later on, enjoy na ako, dahil parang mga mentors ko na sila sa mga eksena namin.

 

 

“As to Kyline, three years na kaming friends since nagkasama kami sa All-Out Sundays at siyempre may feeling na nadi-develop.  Basta ang rule naman nina Mama at Papa is, if I’m interested in a girl, dapat iko-court ko talaga nang maayos, so that’s what I’m doing now.”

 

 

Ibig sabihin ba, wala namang problema kina Kyline at Mavy kung maging formal na ang kanilang relationship, dahil kita raw ang pagiging close ni Mavy sa parents ni Kyline.

 

 

No problem din kay Kyline, dahil kilala na siya ni Carmina, dahil nagkasama sila sa Kambal, Karibal na gumanap siyang anak ni Carmina.

 

 

Napapanood ang ILMHIS at 8:00 PM sa GMA-7 after ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

SUNUD-SUNOD ang mga projects na ginawa ni Derrick Monasterio this year sa kabila ng pandemic, at nalubos pa ito dahil he will be celebrating Christmas and New Year in the United States dahil he will attend the wedding of their mom, former actress Tina Monasterio. 

 

 

First time daw niyang mag-Christmas away from home.  Sa January, 2022 pa ang wedding, kaya tatapusin muna niya ang mga projects na ginagawa niya ngayon, like ang “Oh, My Oppa” episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, na napapanood sa GMA-7 every Sunday, 6:30PM, with Sanya Lopez and Gil Cuerva.

 

 

“Happy ako for our Mom, na sinurpresa niya kami ng kapatid ko, nang basta nagpadala lamang siya ng picture wearing an engagement ring,” sabi ni Derrick.

 

 

“Kita naming sa picture niya na happy siya at nag-bloom ang beauty niya.  Mom is very supportive to us, kaya masaya kami para sa kanya.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mga manufacturer ng sardinas naglalayong magtaas ng presyo

    INIHAYAG ng Canned Sardines Association of the Philippines na makikipagpulong ito sa Department of Trade and Industry para pag-usapan ang kanilang kahilingan para sa pagtaas ng suggested retail price (SRP).     Sinabi ni CSAP executive director Francisco “Bombit” Buencamino, ang sektor ay na-stuck sa July 2021 SRP habang ang mga presyo ng gasolina, na […]

  • Pinas, nakatipid ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccine- Galvez

    NAKATIPID ang pamahalaan ng $700 million sa pagbili ng COVID-19 vaccines. Ipinagmalaki ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatipid ang gobyerno sa pagbili ng bakuna dahil sa maayos na negosasyon ng pamahalaan. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte , Lunes ng gabi ay sinabi ni Galvez na nakatipid ang pamahalaan ng […]

  • ‘Pacquiao, naantig din sa buhos nang pagbati sa kanya at pag-iyak ni Kris’

    Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas.     Sinabi nito na naantig din daw ang damdamin ni Pacquiao sa pag-iyak at mensahe nang tinaguriang “queen of all media” na si Kris Aquino.   […]