• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondong nailabas na ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare workers, P16 B na

PUMALO na sa P16.11 bilyong piso na ang kabuuang nailalabas na pondo ng gobyerno para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iniulat ni DOH Secretary Francisco Duque na nasa 79,662 eligible healthcare workers ang nakatanggap na ng SRA o special risk allowance as of November 16 , 2021.

 

Aniya, nasa 924 million 978, 224 ani Duque ang inabot na halaga na kailangang ilabas para mabayaran ng SRA ang nabanggit na dami ng health workers

 

Samantala, nasa 635.81 million pesos na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa may 27,066 na aplikante para sa sickness and death compensation claims.

 

Sinjguro naman ni Sec. Duque sa mga health workers, ipagpapatuloy ng kanilang Kagawaran ang natitirang pondong nakalaan para sa SRA batches 3 at 4. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd Calabarzon, sinuspinde ang klase sa lahat ng antas mula Jan. 17-29

    INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na ang mga opisyal ng regional offices (RO) at school division office (SDO) ng kanilang ahensiya ay maaa­ring magsuspinde ng klase ngayong panahong patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sa memorandum ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang […]

  • Halos 3-K flights suspendido dahil sa winter storm

    AABOT sa halos 3,000 na flights ang kinansela ng US airlines dahil sa malakas na winter storm na may dalang makapal na yelo ang bumabalot mula Midwest at South.     Labis na naapektuhan ang Chicago O’Hare airport kung saan mayroong 164 flights ang nakansela.     Nasa halos 90 porsiyento naman ng scheduled flights […]

  • 558 Bulakenyo, tumanggap ng burial at calamity assistance

    LUNGSOD NG MALOLOS – Umabot sa 258 Bulakenyo ang pinagkalooban ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng burial assistance habang 300 naman para sa calamity assistance sa ginanap na Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Para sa Housing Materials ng mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses at Burial Assistance na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.     Ayon sa […]