• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador

SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections.

 

“I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President will follow whatever protocols or practices there are in the Senate,” ayon kay Acting Presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Matatandaang naging accessible lamang ang SALN ng Pangulo sa publiko noong 2018.

 

Ang Senado, sa kabilang dako ay nagpalabas ng summary ng SALN ng mga senador kada taon.

 

Sa ulat, hinamon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Pangulong Duterte na isapubliko nito ang kanyang SALN.

 

“Yes, I think so. He is the president. The people expect transparency in their leaders,”ayon kay Sotto.

 

Samantala, nang hingan naman si Nkgrales ng komento sa sinabi ni Sotto ay sinabi nito na kokonsultahin niya ang Pangulo sa bagay na ito at “we’ll come up with a statement after(ward).” (Daris Jose)

Other News
  • Siya naman ang nagsama sa recording studio: FRANKIE, ginawan ng kanta si SHARON na kanyang regalo sa ina

    SA Instagram post ni Frankie Pangilinan last Sept. 28 ibinahagi niya ang kantang ginawa na regalo raw niya sa ina na si Sharon Cuneta.     Lumaki raw si Frankie na kasa-kasama ni Megastar sa recording studios at pagkaraan ng maraming taon ay ina naman ang kanyang isinama.     Ang ginawa niyang kanta ay […]

  • Kakaibang satisfaction ang naibibigay sa kanya: DINGDONG, malapit na sa puso ang hosting bukod sa acting

    UMIYAK ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton sa media conference ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Umiyak dahil sa tuwa si Angel dahil nakamit niya ang kanyang dream role na mapabilang sa isang action series.“Sobrang grateful ko. Dream role ko ‘to, yung action. “I’m so thankful […]

  • 6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

    Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.     Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.   […]