• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card

Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Geraldine Vargas, 51 ng Dagupan St., Tondo, Camille Cressida Halili, 34 ng Batanes St. Sampaloc, Janneth Viernes, 42 ng D. Aquino St. 4th Avenue, Caloocan City, Gengen Subito, 34 ng Oroquieta St. Sta Cruz, Nikko Molina, 18 ng Pasillo I Central Market at Ronaldo Benitez, 31 ng Int. 2 Brgy. 310 Sta Cruz, Manila.

 

 

Nauna rito, nakatanggang si DSOU chief P/Lt. Col Jay Dimaandal ng isang tip mula sa kanilang confidential informant na ang mga suspek ay nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards ng Caloocan and Valenzuela Cities.

 

 

Dakong alas- 6:30 ng gabi, isang police poseur-buyer ang nagawang makakuha ng isang pekeng health vaccination card ng Caloocan City kapalit ng P1,800.00 marked money na naging dahilan upang agad lusubin ng mga operatiba ang naturang establishimento na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Narekober sa naturang establishimento ang ilang health vaccination cards ng Caloocan at Valenzuela Cities, fake Covid-19 antigen test results, fake vaccine receipts, gamit sa pagproseso ng mga pekeng dokumento, marked money na ginamit sa entrapment operation at P2,300.00 cash.

 

 

Kasong paglabag sa Art. 172 of Revised Penal Code in relation to Rule XI Section 1 paragraph B of Implementing Rules and Regulation of RA No. 11332 o alleged fake vaccination cards ang isinampa sa mga suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Davao mafia,’ pagkakilanlan ng ‘reyna’ sa susunod na pagdinig ng Quad

    NANGAKO si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban na ibubunyag niya ang nasa likod ng sinasabing “Davao mafia” at pagkakilanlan ng “queen” na kanilang pinoprotektahan at ilalagak bilang presidente sa 2028 sa tamang panahon.   Hiniling ni Guban, whistleblower sa Quad Comm, ng dagdag panahon upang ihayag ang mga impormasyon na kanyang nalalaman dala na […]

  • Makaapekto kaya sa kanyang career?: MARICEL, idinawit ni Sen. BATO sa ipinagbabawal na gamot

    ABALA na sa paghahanda ang Lungsod ng Maynila para sa 50th Metro Manila Film Festival.   İsa sa natuwa siyempre ay ang aktor at kasalukuyang bise alkalde ng Maynila na si Yul Servo. Ayon kay VM Yul lahat naman daw ng mga kasamahan niyang namumuno ay masaya dahil naibalik daw sa Maynila ang naturang filmfest […]

  • Clothing allowance ng mga guro sa public school matatanggap na

    Matatanggap na ng mga teaching at non-teaching personnel ng public schools ang P6,000 na clothing allowance ngayong Abril.     Ayon sa Department of Education na inaprubahan na nila a ng bagong sets ng “national uniform design”.     Magiging epektibo ito ang sa School Year 2022 hanggang 2023.     Sinabi ni DepEd Undersecretary […]