• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face shield hindi na mandatory sa mga pampublikong transportasyon

Pinagbigay alam ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga pampulikong transportasyon tulad ng public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), Metro Rail Transit 3 (MRT3), Light Rail Transit Lines 1 & 2, at Philippine National Railways (PNR).

 

 

Sa ilalim ng Alert Level 3 at below hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shields at sa mga lugar na may Alert Level na 1 at 2.

 

 

“This comes after President Duterte approved the guidelines recommended by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF),” wika ng DOTr.

 

 

Ayon kay Executive Secretary Salvador Mediadelia na sa nilagdaan niyang memorandum noong Nov. 16, ang pagsusuot ng face shield ay hindi na mandatory sa mga lugar na may Alert Levels 1,2 at 3 at ito ay magiging voluntarily na lamang.

 

 

Sa mga lugar naman na may Alert Level 4, ang mga lokal na pamahalaan at mga pribadong establemiento ay binigyan ng discretion sa paggamit ng face shields. Para naman sa mga lugar na may pinakamahigpit na Alert Level, ang paggamit ng face shield ay mandatory pa rin.

 

 

Dagdag pa ni Mediadelia na ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim pa rin ng lumang community quarantine system ay may kanikanilang discretion sa pagpapatupad ng batas tungkil sa paggamit ng face shield.

 

 

Nilinaw naman ng DOTr na kahit na hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield, ang mga pasahero ay pinapayuhan at pinaaalahanan na kailangan pa rin nilang sumunod sa pagsunod ng minimum public health standards sa mga pampublikong transportasyon.

 

 

Kabilang dito ang paggamit ng face masks, mahigpit na pagpapatupad ng social distancing, parating pagkakaron ng sanitation sa mga pampublikong sasakyan, pagbabawal sa paguusap at pagkain sa loob ng mga sasakyan.  LASACMAR

Other News
  • PDu30, kakausapin si Xi sa Abril 8

    NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping sa Abril 8 para muling ipabatid dito ang kanyang alalahanin na ang armed conflict sa Eastern Europe ay maaaring mag- spill over sa Asya at madamay ang Pilipinas sa “vortex of a war” sa rehiyon.     Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa […]

  • JOEM, naniniwalang makababangon muli ang ABS-CBN ‘pag nabigyan ng bagong prangkisa; ini-enjoy ang pagiging ama

    ISANG taon na ang nakalipas mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito.     Pero kahit na walang prangkisa ang network ay patuloy pa rin si Joem Bascon sa pagtratrabaho sa network.     Joem had been working sa ABS-CBN since he was 19 and after 15 years ay […]

  • PDu30, handang harapin si Gordon sa public debate

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na harapin sa public debate si Senador Richard Gordon kung hahamunin siya nito.     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, tinawag ni Pangulong Duterte na “magnanakaw” si Gordon dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa korapsyon sa Philippine Red Cross (PRC), kung saan siya […]