• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Alert level system ipinairal na nationwide

Simula kahapon Lunes, Nobyembre 22, ay ipinairal na sa buong bansa ang COVID-19 alert level system na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

 

 

Nauna rito, inaprubahan ni Pang. Duterte ang nationwide implementation ng alert level system sa pagtukoy sa mga restriksiyon dahil sa banta ng COVID-19.

 

 

Sa ilalim ng Executive Order 151, ang bagong Alert Level System ay umiiral na ngayon sa NCR, Regions 3, 4A, 6, 7, 10 at 11 at unti-unting ipatutupad sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 para sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.

 

 

Sinabi pa ni Densing na ang community quarantine COVID-19 response ay aalisin na sa Disyembre at papalitan ng granular lockdowns at iba pang alert level system, na higit na mas epektibo.

 

 

Sa ngayon ang NCR pa lamang ang rehiyon sa bansa na kuwalipikadong maibaba sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.

 

 

Paliwanag niya, naging posible ito dahil nakamit na ng Metro Manila ang minimum requirement na mabakunahan ang 70% ng mga elderly at persons with comorbidity population, gayundin ang mismong 70% ng adult population. (Daris Jose)

Other News
  • CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic

    Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).” Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap […]

  • Bulacan, nagsagawa ng job at livelihood fair sa Araw ng Kalayaan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Libu-libong mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga Bulakenyo dahil magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng ‘Job and Business Fair (Local and Overseas)’ sa Bulacan Capitol Gymnasium kahapon Hunyo 12, 2022, ika-9:00 ng umaga kasabay ang pagdiriwang ng […]

  • 2 binata timbog sa 3 kilong marijuana sa Caloocan

    Dalawang hinihinalang drug pushers ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jerich Frane Hernadez, 19, at Lloyd Paloyo, 21, kapwa ng Brgy. Buting, Pasig City. […]