“DRUG QUEEN” TIMBOG SA P13 MILYON SHABU SA MALABON
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 23-anyos na bebot na binansagan ng mga pulis bilang “drug queen” matapos matimbog sa buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Sa report ni Malabon police chief Col. Albert Barot kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., ang pagkakaaresto kay Herssie Ogoy ng Fatima Street Tulay 14, Brgy. Daang Hari, Navotas City ay nagmula sa impormasyon na ibinunyag ni Alejandro Blancaflor, 46, na unang naaresto ng mga pulis, kasama ng dalawa pa sa buy bust operation sa Don Basilio Blvd. Brgy. Dampalit dakong alas-6:20 ng Biyernes ng gabi.
Nang isailalim siya sa custodial debriefing, sinabi ni Blancaflor kay P/Lt. Alexander Dela Cruz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nagmula sa isang alyas Herssie ang ilegal na droga na kanilang ibinenta sa isang police poseur-buyer, kasama ng 19 grams ng shabu na nakuha sa kanila na naging dahilan upang magsagawa ang mga operatiba ng panibagong buy-bust operation.
Nagawa ni P/Cpl. Paulo Laurenz Rivera na umaktong poseur-buyer, kasama si P/Cpl Ferdinand Danzal na nagsilbi bilang back-up na makipagtransaksyon ng P50,000 halaga ng shabu kay Ogoy sa Dalagang Bukid St. Brgy. Longos dakong alas-11 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa suspek ang dalawang malaking chinese tea bag at isang knot tied transparent plastic bag na naglalaman ng humigi’t kumulang sa 2 kilos at 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,940,000, buy bust money na limang pirasong tunay na P1,000 bills at 45 pirasong boodle money, pulang eco bag at cellphone. (Richard Mesa)
-
PBBM, tinintahan ang batas hinggil sa enterprise-based training
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework, araw ng Huwebes, Nobyembre 7, sa Palasyo ng Malakanyang. Itinuturing na isang pangunahing batas ng administrasyong Marcos, ang Republic Act No. 12063 ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin, i-rationalize at pagsama-samahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa isang […]
-
Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din
MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ […]
-
‘Resident Evil: Welcome to Raccoon City’, Official Title Of The RE Reboot Movie
DIRECTOR Johannes Roberts revealed in an interview with IGN during an SXSW online event, Resident Evil reboot movie official title is Resident Evil: Welcome to Raccoon City. According to collider.com, it will take the zombie franchise back to theaters, with a new origin story inspired by the main video game series. The reboot movie is not going to follow […]