• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko

Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.

 

 

Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang tututukan ang pagpapalakas sa sistema sa kalusugan ng bansa para hindi na nagugulantang kapag may tumatamang mga outbreak sa mundo.

 

 

“Ilalaan ko ang unang dalawang taon ng aking administrasyon sa pagpapalakas ng health system para makalaban tayo sa pandemya, dapat bantayan ang mga darating na outbreaks at maging handa sa anumang mangyayari habang pinipilit nating buhayin ang ating ekonomiya,” ayon kay Moreno.

 

 

Kasunod nito, sinabi niya na gagawin niya sa buong bansa kung anuman ang nagawa niyang mga proyekto at programa sa Maynila.

 

 

“Nasa pandemya tayo. Ang buhay at kinabukasan ng tao ang nakasalalay. Kaya naisip ko na kung ano ang ginawa natin sa Maynila, ganun din ang gagawin natin sa buong bansa,” ayon sa alkalde.

 

 

Kasama sa mga proyektong ito na nais gawin ni Moreno sa buong Pilipinas ang pabahay para sa mga mahihirap sa Baseco, Tondo at Binondo; konstruksyon ng COVID-19 field hospital at bagong Ospital ng Maynila; libreng antigen testing at libreng gamot na Remdisivir at Tocilizumab; at patuloy na paghahatid ng food boxes sa mga taga-Maynila. (Gene Adsuara)

Other News
  • ASEAN leaders, opisyal na sinimulan ang 43rd summit sa Indonesia

    OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa  Jakarta Convention Center sa Indonesia.     Dumalo si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR […]

  • OH, WHAT A DAY… WHAT A LOVELY DAY! TRAILER FOR “FURIOSA: A MAD MAX SAGA,” STARRING ANYA TAYLOR-JOY AND CHRIS HEMSWORTH, DEBUTS

    THIS is her Odyssey. “Furiosa: A Mad Max Saga,” starring Anya Taylor-Joy in the title role, opens only in cinemas 2024. The much-anticipated return to award-winning director George Miller’s iconic dystopian world also stars Chris Hemsworth, Alyla Browne and Tom Burke. Watch the trailer below:        YouTube: https://youtu.be/_oYrCGKX1C4?si=SB3oUFl1Fg6ReiOW About “Furiosa: A Mad Max Saga” […]

  • Dominanteng COVID-19 variant na sa mundo ang ‘Stealth Omicron’

    DOMINANTENG  variant na ng COVID-19 sa buong mundo ang ‘stealth Omicron’ o ang BA.2, na nagbabanta ngayon na naging dahilan ng panibagong ‘surge’ sa mga bansa sa kanluran kabilang ang Estados Unidos.     Ayon sa World Health Organization (WHO), nirerepresenta ngayon ng BA.2 ang 86% ng lahat ng kasong isinailalim sa ‘genome sequencing’ sa […]