• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ALBIE, tahasang sinabi na hindi pa rin ramdam kahit vindicated na dahil sa bashing at nawalang trabaho

KUMPARA nga siguro sa mga nakaraang anniversary special ng GMA-7’s longest running-gag show na Bubble Gang mas simple nga raw ang selebrasyon ng show kahit na isang milestone ang sine-celebrate nila ngayon.

 

 

Imagine, 25 years, as in, silver anniversary ng show. Mabibilang lang siguro sa daliri ng kamay ang mga programa sa telebisyon na umaabot ng ganito katagal and still going strong.

 

 

Dahil nga sa pandemic kaya limitado pa rin ang mga pwede nilang gawin, pero siyempre, hindi naman pupuwedeng hindi ito i-celebrate.

 

 

Sa part pa ni Michael V na talagang open naman na mas lalong naging maingat sa pagta-trabaho outside home simula nang maranasan niya mismo ang magkaroon ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Bitoy, “Actually ang challenge is nasa creatives. How can you celebrate something this big na hindi kayo totoong nagse-celebrate? Kasi ang celebration for me is gathering and gathering of people we love.

 

 

“And as much as gusto namin na gano’n sana ang mangyari, at this point, wala talagang magagawa. So ito lang ‘yung magagawa namin but I’m pretty sure, babawi pa kami and kapag nakahanap kami ng paraan, that would be a real celebration talaga.”

 

 

      ***

 

 

ANG pagsa-shower pala ang dahilan kung bakit ginusto na ni Albie Casino na mag-leave sa PBB.

 

 

Hindi natuloy ang plano niya na mag voluntary leave dahil na-evict na siya. Sa interview ni Toni Gonzaga kay Albie, halatang masaya pa ito na nakalabas na ng Bahay ni Kuya.

 

 

Sabi nga ni Albie, “I was happy that I got evicted, because that’s not quitting.

 

 

     “Ang pinakamahirap sa akin do’n is the fact that we can’t shower whenever we wanted.

 

 

      “There’s a shower call. Ang dami namang oras na walang ginagawa sa bahay. Kuya, why can’t I take a shower? Nag-workout ako kanina.“

 

 

Sabi ni Toni kay Albie, “may rules kasi sa PBB.”

 

 

Sa isang banda, tahasang sinabi ni Albie na kahit daw na-vindicate siya at lumabas ang katotohanan after years ng isyu sa kanila ni Andi Eigenmann noon, hindi pa rin niya ramdam that it was enough vindication for him.

 

 

     “It wasn’t enough vindication for all the years of bashing, all the lost works.”

 

 

***

 

 

KUNG ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nagsimula ng virtual concert na naging sobrang matagumpay, heto’t sinisimulan din ni Alden ang online documentary concert na ForwARd sa January 30.

 

 

Solo produced ito ni Alden para sa kanyang AR Foundation na masaya niyang ibinalita na registered na noong September pa ng taong ito.

 

 

Inamin na rin ni Alden na matagal na pala siyang may mga scholars at may dalawang naka-graduate na ng college. Hindi niya nga naman sine-share o isinasa-publiko ang mga ginagawang pagtulong, pero ngayon daw na may foundation na, gusto niyang mas makapag-inspire pa.

 

 

At ang nakikita pa naming bentahe ng concert ni Alden ay ang ipakilala kung sino si Richard Faulkerson Jr. Part pa lang daw ng buhay niya ang nakikita sa kanya at mas makikilala raw siya ng husto sa concert.

 

 

Naka-plano na mag-spend ng Christmas, New Year at birthday niya si Alden sa U.S. pero mukhang bago umalis, sisimulan na raw nila ni Bea Alonzo ang shooting ng movie nila, ang Special Memory ng VIVA Films, APT Films at GMA Films.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • DepEd, binago ang alituntunin hinggil sa suspensyon ng klase sa panahon ng sakuna, kalamidad

    AWTOMATIKONG suspendido na agad ang klase sa lahat ng antas sa basic education, online at in-person sa lahat ng mga lugar na mayroong deklarasyon ng “typhoon, flood o rainfall warning” na ipinalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).     Ito ang nakasaad sa binagong  guidelines na ipinalabas ng DepEd hinggil sa […]

  • Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer

    MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko.     Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy.     Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist.   […]

  • Ex-gf ni JOEM na si CRISHA, nagalit at parang sinampal sa mukha kahit alam na karelasyon si MERYLL

    “KINAKABAHAN ako,” ang unang bungad ni Crisha Uy, ang vlogger na ex-fiancee ni Joem Bascon.   Sa totoo lang, nagugustuhan namin kung paano niya ina-address ng makatotohanan at with class pa rin ang mga sunod-sunod na nangyari sa kanya.   Umiyak man siya noon na nag-vlog at ibinalitang hindi na matutuloy ang kasal nila, pero […]