• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagsuporta nina PDu30, Sara sa kani-kanilang “manok” sa 2022 elections, normal lang- Nograles

NORMAL lang kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa kanyang anak na si Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte na suportahan ang iba’t ibang kandidato sa May 2022 elections.

 

Tugon ito ni Cabinet Secretary ay Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa naging panawagan ni Sara sa kanyang mga supporters sa Tagum City, Davao del Norte na protektahan ang kanyang running mate, presidential aspirant na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

Si Sara ay tumatakbo bilang bise-presidente sa iallim ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

Sa kabilang dako, tiniyak ni Nograles na walang iringan o away sa pagitan ng mag-amang Duterte kahit pa nabibilang sila sa magkaibang political parties.

 

“As with any different political parties, mayroong mga common candidates at mayroong mga candidates na sinusuportahan for other positions ang either party,” anito.

 

“So, political exercise like the elections ay normal po na magkaroon ng ganiyan, pagkakaiba ng sinusuportahang mga kandidato,” dagdag na pahayag ni Nograles.

 

Si Pangulong Duterte sa kabikang banda ay hayagng sinusuportahan ang presidential bid ng kanyang long-time aide na si Senator Christopher “Bong” Go, na tumatakbo sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), allied party ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

 

Para sa Pangulo, si Go ay “bright” person. (Daris Jose)

Other News
  • Gaganap na Luna at Sky sa ‘Senior High’: ANDREA, may hatid na mahahalagang aral kasama sina KYLE, JUAN KARLOS, ZAIJIAN, XYRIEL at ELIJAH

    MAHAHALAGANG aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.”       Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.       Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin […]

  • Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto

    PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.   Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.   […]

  • Imbes na magkaroon ng big birthday party: SOFIA, nagbakasyon sa Singapore bilang regalo sa kanyang sarili

    SIMPLE lang ang naging celebration ng Sparkle teen star Sofia Pablo when she turned 17 last April 10.     Nagkaroon ng isang stylish photoshoot si Sofia kunsaan all-white ang theme.     Sa pinost niyang reel sa Instagram, nilagay ang hashtag na #SofiaAtSeventeen. Naglagay din siya ng mga captions tulad ng “kinda sweet, kinda […]