• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages

Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.

 

 

Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito.

 

 

Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang matatanggap.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Cabarrios na inaatasan na nila ang mga telecommunications companies na magpadala ng advisories sa kanilang mga subscribers na huwag paniwalaan at pansinin pa ang spam messages na kanilang matatanggap mula sa mga hindi kilalang numero.

 

 

Magugunita na sa mga nakalipas na linggo ay usap-usapan ang pagdami ng mga spam messages na natatanggap ng publiko na nag-aalok ng trabaho na may malaking pasahod.

 

 

Nauna nang sinabi ng National Privacy Commission na kanilang natukoy na nagmula sa international syndicates ang naturang mga spam messages gamit ang mga prepaid numbers. (Daris Jose)

Other News
  • RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas

    SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club. Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, […]

  • Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko

    Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR)       Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.       […]

  • 7 ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

    PITONG hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder, Jimmyboy Yumul, 38, Noel Villafranca, 33, Fortfred […]