• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster shots sa healthcare workers sa Quezon City, lumarga na

Umarangkada na rin  ang pagbibigay ng  booster shots ng Quezon City  government sa mga healthcare workers kahapon.

 

 

May inisyal na  5,000 healthcare workers at non-medical personnel sa health facilities ang bibigyan ng booster shots mula kahapon hanggang sa Biyernes sa ibat- ibang vaccination sites   sa  Rosa Susano Elementary School, Pinyahan ­Elementary School at Don Alejandro Roces Science Technology High School.

 

 

Ang pagbabakuna sa  A1 Priority Group ay magpapatuloy sa susunod na mga araw.

 

 

“Our healthcare wor­kers are the first ones to receive the vaccines when we first launched it in March. Since they are consistently exposed to the virus due to their work, it is important that they be given booster shots for additional protection,”  pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

 

 

Sa ilalim ng panuntunan ng Department of Health, ang  booster doses ay ibibigay lamang sa nabakunahan na ng second shots ng may anim na buwan o sa pagitan ng buwan ng Abril at Mayo.

 

 

Ngayong darating na  weekend, ang QC-based tertiary hospitals ay magsisimulang bakunahan ang kanilang medical at non- medical staff.

Other News
  • Tuloy ang pagpapatupad ng mga programa at polisiya sa AFP

    TINIYAK ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na  taunang ‘traditional dinner’ para sa  […]

  • Dahil sa pag-amin nina James at Issa sa relasyon: YASSI, dawit sa pamba-bash at hate comments ng mga netizens

    MAKATUTULONG kaya o hindi ang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa bagong teleserye ni Yassi Pressman sa TV5?     Pati kasi siya ay dawit sa bash at hate comments ng mga netizens na malamang, karamihan dito ay mga tagahanga ng dating magka-loveteam real and reel na sina Nadine Lustre […]

  • SMART/MVP-Philippines Team lalahok sa 2022 Asian Taekwondo Championships

    SASALANG ang Smart/MVP Sports Foundation national kyorugi at poomsae teams sa 2022 Asian Cadet/Junior/Para Taekwondo Championships sa Agosto 22-27 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Ang 45-man delegation ay binubuo ng walong opisyal sa pamumuno ni taekwondo association secretary ge-neral Raul Samson at 22 kyorugi at 15 poomsae athletes.     Ang paglahok […]