• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, pinangunahan ang pag- arangkada ng National Vaccination day

PANGUNGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-arangkada ng 3-day national COVID-19 vaccination drive na nagsimula, Nobyembre 29.

 

Sa katunayan, personal na pupuntahan mamayang hapon ni Pangulong Duterte ang isang vaccination site sa bandang South ng Kalakhang Maynila.

 

Bahagi ito ng pakikiisa at partisipasyon ng Pangulo sa tatlong araw na National Vaccination day na tinaguriang Bayanihan, Bakunahan.

 

Sinasabing, isang shopping mall sa Antipolo na dati ng ginawang vaccination site ang pupuntahan ng Punong Ehekutibo mamayang hapon at doon ay inaasahang kakamustahin nito ang itinatakbo ng vaccination sa lugar.

 

Asahang makakasama mamaya ng Punong Ehekutibo ang ilang miyembro ng gabinete.

 

Sa kabilang dako, hindi naman malinaw pa sa ngayon kung sasalang din sa pagbabakuna ang Presidente para sa kanyang booster shot kaugnay ng kanyang dadaluhang event.

 

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Seretary Karlo Nograles, nasa personal physician na ng Presidente ang pagpapasya kung kailan ito tuturukan ng booster shot.

Other News
  • COVID-19 ‘work-related disease’ – DOLE

    Makakatanggap na ng kompensasyon buhat sa pamahalaan ang mga manggagawa sa public at private sectors na dinapuan ng COVID-19 habang nasa duty makaraang maisama na ang coronavirus 2019 sa listahan ng “occupational and work-related diseases”.     Inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) board ang Resolution No. 21-04-14 na nagtatakda ng kompensasyon sa mga manggagawang […]

  • Disney & Pixar’s ‘Lightyear’ Unveils Out-of-this-World Trailer/Marvel Studios’ Releases ‘Thor: Love and Thunder’ Trailer & Poster

    CHECK out a new trailer below for Disney and Pixar’s Lightyear, revealing new details about the upcoming sci-fi action adventure: https://www.youtube.com/watch?v=7qdbsWu2lJY     The definitive origin story of Buzz Lightyear, the hero who inspired the toy, “Lightyear” follows the legendary Space Ranger after he’s marooned on a hostile planet 4.2 million light-years from Earth alongside his […]

  • MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na […]