• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mock elections sa Disyembre 2021, tuloy pa rin – COMELEC

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi na maaaring iurong pa ang pagdaraos ng mock elections ngayong taon kaugnay sa 2022 national at local elections.

 

 

Sa isang online forum, sinabi ni COMELEC Dir. Teopisto Elnas ang pondo para sa mock elections ay para lamang sa ngayong taon.

 

 

Hindi na aniya nakapaloob ang naturang pondo sa ilalim naman ng 2022 National Expenditure Program kaya dapat ituloy ang pagdaraos nito bago pa man matapos ang kasalukuyang taon.

 

 

Ayon kay Elnas, sa darating na Disyembre 29 nakatakdang isagawa ang mock elections sa ilang tukoy na mga lugar sa bansa kasama ang National Capital Region partikular sa Pasay City at Taguig, at ilan pang mga lugar sa Luzon tulad ng Isabela at Albay.

 

 

Sa Visayas naman, isasagawa ang mock elections sa Negros Oriental at Leyte.

 

 

Sa Mindanao, gagawin ito sa Davao del Sur at Maguindanao.

 

 

Target ng COMELEC ngayon na makapaghikayat ng mas maraming registered actual voters para sa “end-to-end” demonstration ng mock elections.

 

 

Kung maaalala noong nakaraang buwan, nagsagawa na rin ang COMELEC ng mock elections sa Lungsod ng San Juan pero hindi naabot ng poll body ang inaasahan nilang bilang ng mga participant.

Other News
  • Hindi nagamit na RFID na RFID Load dapat puwede i-refund sa motorista

    NAGPAPASALAMAT ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa DOTR at Toll Regulatory Board at pinakinggan nila ang mga pagtutol ng mga motorista sa balak na magpataw ng malalaking multa sa walang RFID o kulang sa load kapag dumadaan sa mga tollways.     Ibig sabihin ay mananatili ang mga cash lanes sa mga […]

  • Gentlemen’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Tsina ,“constitutionally void”

    “CONSTITUTIONALLY void” ang gentlemen’s agreement sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Tsina para sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).     Ayon kay House Deputy Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II, chairman ng House Special Committee on the West Philippine Sea, […]

  • Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan

    NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]