Healthcare system sa Pilipinas nakahanda sa harap ng banta ng Omicron variant
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
Nanatiling nakahanda ang health system sa bansa sakali mang tumaas muli ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa harap ng banta ng Omicron variant, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na alam ng pamahalaan ang gagawin kung magkaroon man ng mas nakakahawang Omicron variant sa Pilipinas.
Kahapon, sinabi ng mga health officials na wala pa ring naitatang Omicron variant sa bansa.
Sinabi ni Vega na sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang characteristics ng bagong COVID-19 variant na ito, na unang natuklasan sa South Africa.
Pero sa kabila nito ang healthcare utilization rate naman sa bansa ay nananatili pang nasa “low-risk” category. (Daris Jose)
-
56% ng mga Pinoy, nagpahayag na ang “complicated rules” ang hadlang sa pagpasok ng foreign investments
TINATAYANG 56% ng mga Filipino ang naniniwala na ang komplikadong “rules and regulations” gaya ng red tape at pagbabago sa mga government policies and regulations, ang mga pangunahing dahilan kung bakit dismayado ang mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa ginawang survey ng Pulse Asia noong nakaraang March 6 hanggang […]
-
3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan
HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, […]
-
Silent protest ikinasa ng San Lazaro medical frontliners
Nagsagawa ng silent protest ang San Lazaro Hospital noong Huwebes, July 16 sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harapan ng ospital. Sa ulat, humihingi ang frontliners ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPEs) at kanilang mga sweldo habang sila ay naka-mandatory […]