• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higanteng Christmas tree ng Bulacan, iilawan na

LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo sa pag-iilaw ng higanteng Christmas tree sa pagsisimula ng “Paskong Bulacan at Pag-iilaw ng Krismas Tree” sa Lunes, Disyembre 6, 2021 sa ganap na ika-6:00 ng gabi sa Gen. Gregorio Del Pilar Park, Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound sa lungsod na ito.

 

 

May taas na 30 talampakan, palilibutan ang Christmas Tree ng 200 parol na may disenyong tala na ang frame ay yari sa bilog na bakal na binalutan ng vinyl na plastik.

 

 

May walong kulay ang mga bituin na parol kabilang ang dilaw, berde, pula, pink, kahel, puti, violet at asul na ginamitan ng incandescent bulb na Light Emitting Diodes o LED sa palibot nito.

 

 

Bukod dito, pinaganda at pinaningning ang kapaligiran ng harap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa paglagay sa mga poste ng tig-tatlong bituin na may kabuuang 48 na piraso at dagdag na atraksyon na disensyo sa mismong harapan ng gusali ng Kapitolyo na gawa nina Wendell Dungca, Mark Lhen Flores at Allan Garcia.

 

 

Bago ang payak at maigsing programa para sa pag-iilaw ng Christmas Tree, haharanahin ng Hiyas ng Bulacan Provincial Band, Himig ng Bulakenyo at iba pang Bulakenyong mang-aawit ang mga dadalo sa ganap na ika-5:30 ng hapon.

 

 

“Sabay-sabay po nating tunghayan ang taunang pagbubukas ng Paskong Bulacan na hudyat ng masaya at maluwalhating panahon ng Kapaskuhan para sa mga Bulakenyo sa kabila ng kinakaharap nating pandemya,” ani Fernando.

 

 

Samantala, mahigpit din ang paalala para sa mga dadalo na sundin ang mininum public health protocols at huwag balewain ang banta ng COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference

    PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.     HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.     Bumuti naman ang kalusugan ng […]

  • Lakers coach ‘di pa tiyak kung kailan makakapaglaro muli sina James at Davis

    Hindi pa rin matiyak ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kung kailan makakabalik sa paglalaro si LeBron James.     Sinabi nito na kapwa bumubuti na ang kalagayan nina James at Anthony Davis.     Dagdag pa nito, parehas niyang binabantayan kung saan aabot pa hanggang walong linggo bago makapaglaro si James dahil sa […]

  • YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA

    PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni  Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina.     Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]