Mga makikiisa sa Simbang Gabi, dapat fully vaccinated – CBCP
- Published on December 7, 2021
- by @peoplesbalita
Naglabas ng panuntunan ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng Coronavirus Disease (COVID) pandemic ang bansa.
Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan.
Bawat entrance ng simbahan ay may nakatalagang guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.
Dapat din ay nakasuot ng facemask ang mga dadalo sa misa.
Magiging 70 porsiyento ang kapasidad ng bawat simbahan pero kanilang hinihikayat ang mga mananampalataya na kung maaari ay makinig na lamang ng mga online mass.
Ito’y para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Batay sa tradisyon ng mga Katoliko sa Pilipinas, sa darating na December 16 magsisimula ang Simbang Gabi habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.
-
CASSY, ultimate dream na makatrabaho si ALDEN dahil ‘di naman malayo ang age gap nila
GINULAT na naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang mag-post siya sa kanyang Instagram na suot niya ang Flora Vida white waffle robe. Naka-cover ang kanyang ulo, at nakasilip lamang ang kanyang beautiful face, kaya ang comment ng mga netizens para siyang si Mama Mary. Caption […]
-
COVID cases sa PH nasa 1.4-M na, 4,289 bagong mga nadagdag na kaso
Bahagyang mataas ngayon ang naitalang bagong dagdag na kaso ng COVID-19 sa pilipinas kumpara nitong nakalipas na Martes. Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 4,289 ang nadagdagan ngayon na nahawa sa virus kaya sa kabuuan sa buong Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,450,110 na. Bahagya […]
-
Kasama sina Patricia, Sherilyn at Manoy Wilbert: GELLI, sobrang grateful na host ng programang marami ang matutulungan
SA newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, ma-inspire sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, simula na ngayong Linggo, ika-3 ng Marso sa GMA-7. Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri […]