• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.

 

 

Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters ang nagbigay pag-asa na may naghihintay na magandang kinabukasan para sa bansa.

 

 

“Talagang masayang-masaya ang pakiramdam namin dahil bukod sa napakasayang mga pagtanggap eh ‘pag pinagsama ninyo ang kulay na­ming pula at berde, Merry Chirstmas na nga talaga,” wika niya.

 

 

Naging makulay at makabuluhan aniya ang kanilang Cebu visit dahil bukod sa probinsiyang ito pinagtibay ang BBM-Sara UniTeam, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasalamuha ang mga pinagpipitagang mga miyembro at opisyales ng League of Municipalities.

 

 

Ang mga nagaganap na ‘unity rides’ sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang makasaysayang “Salubong” ng mga taga-norte at timog sa San Juanico Bridge nong November 30, ay nagpapakita anya ng pagkakaisa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ito umano ang panguna­hing layunin ng BBM-Sara UniTeam upang makamit ang pambansang pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad ng bayan.

Other News
  • Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

    MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.     Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.     “I really wish her well.     “Everyone of us […]

  • 5 pulis-escort ni Degamo, absent sa araw ng ambush

    PINAGRE-REPORT ni House Speaker Martin Romualdez sa Kongreso ang limang pulis-escort ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.     Base kasi sa inisyal na report na natanggap ni Speaker Romualdez, hindi pumasok ang limang pulis bodyguard, na nakatalaga kay Degamo noong araw na pinaslang ang opisyal.     Ayon sa nagngingitngit sa galit […]

  • Saso dadalaw sa ‘Pinas

    SASAMANTALAHIN ni Ladies Professional Golf Association Tour star Yuka Saso ng Japan ang pagdayo ng  ng 73rd LPGAT 2022 Leg 4-5 sa Marso sa Southeast Asia sa papasok na buwan sa Singapore at Thailand. Kaya maaga siyang aalis sa pinagbabasehang Estados Unidos sa pagbisita muna sa sa mga kamag-anak, tagasuporta’t kaibigan sa ‘Pinas sa buwang […]