Vaccination itataas sa 100% ng populasyon
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.
“Yung 70% ’yun ’yung sa original strain ng virus natin ’yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.
Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyong katao na ang fully-vaccinated hanggang nitong Disyembre 4.
Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.
Iginiit niya na epektibo pa rin ang mga bakuna maging sa Omicron variant dahil sa maiiwasan ang malubhang epekto ng COVID-19 at pagpapaospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT
Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila. Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway. Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]
-
After na sorpresahin ang asawa sa ‘Eat Bulaga’: Super sweet na birthday message ni ARJO kay MAINE, kinakiligan ng netizens
SUPER sweet ng birthday message ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang asawa na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan last Sunday, March 3, 2024. Sa kanyang Instagram, in-upload ni Arjo ang nakakikilig na photos nila ni Maine, kasama nga ang super sweet birthday message sa kanyang wifey. Caption ni Arjo, […]
-
QUEZON CITY AT MWSS LUMAGDA SA 3 MOA
LUMAGDA sa tatlong Memorandum of Agreement o MOA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa katauhan ni Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na kinatwan naman ni Administrator Leonor Cleofas kahapon sa punong tanggapan ng MWSS sa Katipunan, Quezon City. Kabilang sa mga napagkasunduan ng QC at MWSS ang pag […]