Tattoo artist tinodas sa Navotas
- Published on December 10, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang isang tattoo artist matapos barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Ryusi Soriano alyas “Adjong”, 25 ng 19 Pat Buntan, Brgy. San Roque.
Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Reysie Peñaranda, dakong alas-4:15 ng hapon, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang isa sa mga suspek na nakatayo sa harap niya ang naglabas ng baril at walang sabi-sabing binaril siya sa katawan na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungong Judge A Roldan Street habang agad namang nagsagawa ng dragnet operation ang mga tauhan ng San Roque Police Sub Station 2 at SWAT team subalit, hindi nila naaresto ang mga salarin. (Richard Mesa)
-
Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa
LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng […]
-
Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’
MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano. Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries […]
-
Price ceilings sa school supplies ipatupad
PINAKIKILOS ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito. Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies sa halip […]