• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Durant iniligtas ang Nets sa Mavericks

Humataw si Kevin Durant ng 24 points para iligtas ang Brooklyn Nets sa unang back-to-back losses nga­yong season matapos ungusan ang Mave­ricks, 102-99.

 

 

Bumangon ang Nets (17-7) mula sa 17-point deficit sa third quarter sa likod ng 11 points ni Durant para resbakan ang Mave­ricks (11-12) at patuloy na pamunuan ang Eastern Conference.

 

 

Nagdagdag si James Harden ng 23 points at 12 assists para sa Brooklyn na kanyang inilayo sa 100-97 sa huling 1:23 minuto ng laro matapos iwanan si Dallas star guard Luca Doncic.

 

 

Umiskor si Doncic ng 28 points para sa Mave­ricks habang naglista si Kristaps Porzingis ng 17 points at 12 rebounds.

 

 

Sa Los Angeles, kumamada si LeBron James ng 30 points, 5 assists at 4 rebounds para banderahan ang Lakers (13-12) sa 117-102 paggupo sa Boston Celtics (13-12).

 

 

Nagtala si Russell Westbrook ng 24 points at 11 assists para sa ikaapat na panalo ng Lakers sa huling anim na laro habang may 17 markers at 16 boards si Anthony Davis.

 

 

Sa San Antonio, nagsalpak si R.J. Barrett ng career-high na pitong tres para tumapos na may 32 points sa 121-109 pagpapatumba ng New York Knicks (12-12) sa Spurs (8-15).

 

 

Tinapos ng New York ang kanilang three-game losing skid sa San Antonio venue.

 

 

Nagdagdag si Alec Burks ng 18 points para sa Knicks habang may 16 at 15 markers sina Immanuel Quickley at Julius Randle, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Pinamunuan ni Derrick White ang Spurs sa kanyang 26 points, 6 rebounds at 7 assists at naglista si Dejounte Murray ng 15 points, 7 rebounds at 7 assists.

Other News
  • Mapapanood ang first-ever mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’… ALDEN, mangunguna pa rin sa celebration ng ‘Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon’

    SI Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang mangunguna sa celebration ng “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” ngayong Saturday evening, December 31, na tiyak na magugustuhan ng mga K-Pop fans dahil makiki-party, hindi lamang ang mga paborito nilang Kapuso stars, kundi ganoon din ang mga P-Pop stars at ang biggest K-pop stars of […]

  • Guillermo: Ang Handog ng Obra, dinominaang 4th SINEliksik Bulacan and Docu Special

    NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ikaapat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito.     Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best […]

  • Big-time oil price hike, asahan

    ABISO para sa mga motorista.     Asahan ang big-time oil price hike simula Enero 18.     Madagdagan ng nasa P0.85 hanggang P1 ang halaga ng kada litro ng gasolina.     Habang nasa P1.70 hanggang P1.80 naman ang magiging taas-preyo sa kada litro ng diesel.     Nagkakahalaga naman sa P2.10 hanggang P2.20 […]