Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic.
Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara sa mga kalalakihan.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Women chairman Borongan Bishop Crispin Varquez, kinikilala ng simbahan ang mga inisyatibo ng mga kababaihang gumagawa ng pamamaraan upang kumita sa kabila ng pandemya para makatulong sa kanilang pamilya at sarili.
“I congratulate women who are creative enough to do online selling during this pandemic to earn more to help their families. We welcome this development. And we congratulate them,” ayon sa mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Umaapela naman si Bishop Varquez ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan kasunod ng pag-aaral ng PIDS na kumikita ng higit na 10-libong piso ang mga kalalakihan kumpara sa mahigit 6-libo pisong kita ng kababaihang online sellers.
“Man and woman should compliment each other not compete each other, we should not create an issue that will reinforce the competition between man and woman,” ayon pa sa Obispo.
Binigyang diin ni Bishop Varquez na isang mahalagang gawain ng Simbahan at maging ng Pamahalaan, Local Government Units (LGU) at bawat isa ang pagpapahalaga at pagbibigay ng pantay na karapatan, oportunidad sa mga babae.
“It is the task of the LGU, national government and the church and all of us to empower women” ani Bishop Varuez.
-
Caloocan, Malabon muling nag-uwi ng Seal of Good Local Governance
MULING nagkamit ng parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Caloocan at Malabon sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. Ang Caloocan City ay ang pangalawang local government unit na nakatanggap ng walong magkakasunod na SGLG […]
-
Ads November 19, 2020
-
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming salamat sa inyo’ “Sa sambayanang Pilipino, maraming, maraming salamat sa inyo.”
ITO ang maiksing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga tagasuporta na nagdaos ng isang “farewell concert” para sa kanya, nitong Linggo ng gabi sa Quirino Grandstand sa Luneta, Maynila. Kahit bumuhos ang ulan, hindi ito inalintana ng libu-libong nagmamahal sa Pangulo na dumagsa sa “Salamat, PRRD” event. “Sa sambayanang […]