• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang kinatatakutan ‘wag lang pakakantahin: COCO, mabilis na tumakbo nang abutan ng mic ni SHARON

TUWANG-TUWA ang mga Sharonians dahil pasok na ang karakter ni Sharon Cuneta as Aurora sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Some Sharonians said na regular na silang manonood ng FPJAP dahil kay Mega at ang wish nila ay humaba rin sana ang role ni Ate Shawie based sa kwento.

 

 

Sharon plays the daughter of Tommy Abuel at sa eksena noong Friday ay parang malapit na yatang mamatay ang kanyang daddy na binaril ni Julia Montes.

 

 

Kaya expect na mag-iinit ang dugo ni Sharon sa taong nakapatay sa kanyang ama.

 

 

Samantala, aliw kami sa mga IG posts ni Sharon sa break nila sa FPJAP. May isang post doon na tumakbo palabas ng pinto si Coco Martin dahil inaabutan siya ni Sharon ng microphone at gusto siyang pakantahin.

 

 

Sa post ni Sharon, sinabi niya na walang kinatatakutan si Cardo Dalisay. Kahit sinong kalaban haharapin niya. Huwag mo lang itong pakantahin.

 

 

Tawanan ang mga co-stars nila sa video that Sharon posted sa kanyang IG account.

 

 

      ***

 

 

TWO weeks pa bago nag-lockdown nang gawin ni Christian Bables ang ‘Big Night’, one of entries sa 2021 Metro Manila Film Festival kaya wala pang masyadong pagbabago sa set-up ng shoot.

 

 

Pero ang mga sumunod na projects niya ay during the lockdown kaya nasa set na sila at hindi na pwedeng umalis.

 

 

“Para sa akin mas pabor ako sa ganoong set-up dahil from an actor’s point of view, naka-lock in ka na sa character mo. Mas maganda ang nagagawa for the actors pag lock-in ang shooting kasi fully immersed ka sa character. Hindi mo na siya maipapagpag sa bahay kumbaga,” pahayag ni Christian in a recent interview.

 

 

Sobrang happy and blessed ang pakiramdam niya dahil napili ang ‘Big Night’ as one of the festival entries.

 

 

“I am glad na mapapanood ito ng mga kababayan natin ang Big Night ngayong Pasko. Isa ito sa dapat maipalabas kasi it’s a masterpiece by Jun Lana.”

 

 

In the movie ay ginagampanan ni Christian ang role ng isang gay beautician named Dharna na minalas mapasama ang pangalan sa isang drug watch list so mayroon lang siyang isang araw para linisin ang pangalan niya.

 

 

“Ang challenge sa akin dito ay kung paano ko ilalagay ang sarili ko doon sa bingit ng kapahamakan. For me as an actor, it is emotionally, physically and mentally draining dahil ang hirap mailagay sa ganoong sitwasyon,” paliwanag niya about his role.

 

 

“Mahirap ang role ko in the sense na yung pinagdadaanan niya ay malayo sa anuman ang reyalidad ko sa buhay. Yung mundo niya ay complicated, masakit, at mahirap sa kalooban. At ‘yun ang kailangan kong bitbitin. Yun ang hindi ko binitiwan and for me, mahirap siya emotionally and physically.”

 

 

Pero naniniwala si Christian na sa tulong ni Direk Jun Lana ay naibigay niya ang best niya for the role.

 

 

Kaya ang prediction ni Direk Jun, malakas ang laban ni Christian sa best actor award.

Gusto rin nga pala i-promote ni Christian ang resto niya na Parilla Est. 2020na located sa 176

 

Maginhawa Street, Sikatuna Village, Quezon City.

 

 

Masarap na barbecue ang kanilang specialty, na bagay na bagay ngayong Christmas season. Open sila Monday to Saturday, from 10 am to 8 pm.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Kahit dedma na ang dating karelasyon: DANIEL, sobra pa rin ang pasasalamat kay KATHRYN kahit hiwalay na

    KAHIT hiwalay na, sobra pa rin ang ibinigay na pasasalamat ng Kapamilyang aktor Daniel Padilla sa ex niyang si Kathryn Bernardo. Sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa Kapamilya channel ay hindi nakalimutang banggitin ni Daniel ang pangalan ni Kathryn. Kung si Kathryn ay hindi binanggit si DJ sa mga pinasalamatan niya ay hindi naman […]

  • PSA, inilunsad ang Philsys Institutional Registration sa Bulacan para sa mga kawani ng gobyerno

    LUNGSOD NG MALOLOS –Upang mapadali ang pag-access sa national identification system ng mga kawani ng gobyerno, inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philsys Institutional Registration sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado” sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.     Ang Philippine Identification System o Philsys ay ang central identification platform ng gobyerno na naglalayong magtatag […]

  • Ads January 20, 2020