• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, tatalakayin sa FDA at DOH ang pagpapaiksi sa interval period para sa COVID-19 booster shots

SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na tinitingnan ng pamahalaan na paikliin ang interval period ng pagkuha ng booster shots matapos ang primary dose series sa pagitan ng apat hanggang anim na buwan.

 

Sa naging pagbisita ng National Task Force Against COVID-19 sa Bacoor, sinabi ni Galvez na pag-aaralan nila ang panukala at kaagad na gumawa ng akmang rekomendasyon sa Food and Drug Administration (FDA).

 

“Pinag-uusapan nga namin na baka pwede i-elevate na natin sa FDA na magkaroon ng amendment na between four to six [months],” ayon kay Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Ani Galvez kakausapin niya si FDA director-general Eric Domingo at Health Secretary Francisco Duque III hinggil sa bagay na ito.

 

“‘Yun ang nakita namin para ma-expand na natin at mapabilis natin ‘yung protection,” aniya pa rin.

 

“Because we also received some advice from some experts worldwide na mas maganda na ‘yung tinatawag natin hanggang hindi bumababa, nagwe-wane ‘yung proteksyon kailangan bigyan na natin so that drastically improve ‘yung protection,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

Sinabi pa ni Galvez na ang rekumendasyon ng Vaccine Expert Panel ay pagbabakuna ng tatlong doses na primary series.

 

“Mas maganda ‘yung 3 dosing na primaries, parang nakita nila mas malakas ang ating proteksyon if we have ‘yung 3 doses na primaries, particularly ‘yung Sinovac,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • MAS MARAMING Pinoy, magsusuot pa rin ng face masks sa kabila ng optional na pagsusuot sa outdoors

    Mas marami pa rin umanong bilang ng mga Pinoy ang magsusuot ng face masks sa kabila ng direktiba ng pamahalan na optional na lamang ang pagsusuot nito.     Ayon kay OCTA Research fellow Ranjit Rye, base sa raw sa kanilang isinagawang survey, lumalabas na 28 percent daw sa mga respondent ang nagsabing patuloy pa […]

  • Ads February 17, 2024

  • Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si […]