• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel ban sa 8 bansa, ikinasa na ng Pilipinas

PINAGBAWALAN na ng Pilipinas ang mga biyahero mula sa 8 territories sa layuning iiwas ang bansa sa matinding mutated Omicron COVID-19 variant.

 

Epektibo Dec. 16 hanggang 31, ang mga biyahero mula sa mga sumusunod na “high-risk” areas na bahagi ng tinatawag na “Red List” ay pagbabawalan na makapasok ng Pilipinas.

 

Ang mga bansang ito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Reunion, San Marino, South Africa at Switzerland.

 

“The restriction covers everyone who has been to these 8 areas in the last 14 days, regardless of their vaccination status,” ayon kay Nograles.

 

Tanging ang mga Filipino lamang na magbabalik sa bansa sa pamamagitan ng repatriation efforts at “Bayanihan” flights ang exempted mula sa travel ban.

 

“To all those who plan to come home during the holidays, we humbly request your patience as we in the IATF continue to make modifications to our protocols. These are all being done in response to evolving situations in the world,” anito.

 

“We want to keep our people safe, and we will do what is necessary to achieve that,” dagdag na pahayag ni Nograles. (Daris Jose)

Other News
  • PhilHealth, inilunsad na ang COVID-19 vaccine indemnification

    Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang indemnification package sa mga makakaranas ng seryosong side effect matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine.     Ang indemnification o bayad danyos ay isa sa mga probisyon ng COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act No. 11525).     Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga […]

  • Dagdag na 300 kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo, hindi dapat na ipag- alala -Dr. Solante

    HINDI pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID 19 na nadagdag kamakalawa.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni  Infectious Disease  Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol.     Sa katunayan, nasubukan na aniya ng  ito  […]

  • Kahit may banta pa ng Covid-19: Wala na tayong gagawing lockdown-PBBM

    WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad pa ng lockdown sa bansa sa kabila nang nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo’t may mga nadidiskubreng bagong variants ng coronavirus.     Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw […]