• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab driver, 1 pa kulong sa P136K shabu sa Valenzuela

DALAWANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang grab driver ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Vhal Ramos, 38, grab driver at Jogel Co, 36, driver ng 532 Fe St., Don Pedro, Brgy. Marulas.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa bahay ni Ramos sa No. 15, Palo Alto St.,  Brgy. Marulas.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu na nasa P3,000 ang halaga si PSSg Robbie Vasquez na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong PP500 boodle mmoney, P300 cash, coin purse at 2 cellphones.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]

  • Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

    Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.   Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.   Sisipa ang FIFA Women’s World […]

  • ‘Monster’ game ni LeBron na may 56-pts nagdala sa panalo ng Lakers vs Warriors

    PATULOY  pa rin sa kanyang pagbasag sa NBA record books ang 37-anyos na si LeBron James matapos na pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Golden State Warriors, 124-116.     Nagbuhos ai James ng season high na 56 big points mula sa 19-of-31 shooting, kasama na ang anim na three-pointers, at liban […]