• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Curry bagong NBA 3-point King

Tuluyan nang gumawa ng kasaysayan si Stephen Curry ng Golden State Warriors.

Inungusan ni Curry si Ray Allen para sa pagiging NBA all-time three-point record holder matapos lampasan ang dating markang 2,973 triples ng NBA Hall of Famer sa 105-96 pagdaig ng Warriors sa Knicks.

Ipinasok ng 33-anyos na si Curry ang kanyang ika-2,974 triples sa 7:33 minuto ng first quarter.

Nagbigay ng foul ang Warriors kasunod ang pagtawag ni coach Steve Kerr ng timeout para sa pagdiriwang sa loob ng Madison Square Garden kung saan niyakap ni Curry ang kanyang mga magulang at mga teammates.

Ang nasabing NBA record ni Allen ay hindi natinag sa loob ng 10 taon. Mayroon ngayong 2,977 triples si Curry.

“He has revolutionized the way the game is played and continues to leave fans in awe with his amazing artistry and extraordinary shooting ability,’’ ani NBA Commissioner Adam Silver.

Tumapos si Curry na may 22 points tampok ang limang tres para sa pangunguna ng Warriors (23-5) sa NBA at Western Conference.

“He’s the best shooter I’ve ever seen, and I think it’s clear he is the best catch-and-shoot player,” wika ni dating Dallas Ma­vericks superstar Dirk Nowitzki.

Nagdagdag si Jordan Poole ng 19 points para sa Golden State.

Sa New York, nagtala si Kevin Durant ng triple-double na 34 points, 13 rebounds at 11 assists sa 131-129 overtime win ng Brooklyn Nets (20-8) sa Toronto Raptors (13-15).

Sa Portland, nagsumite si Chris Paul ng 24 points, 14 assists at 8 rebounds para ihatid ang Phoenix Sunx (22-5) sa 111-107 overtime win sa Trail Bla­zers (11-17).

Other News
  • 1,069 Magsasaka, mangingisda, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000, food packs, at fertilizer ang 1,069 na magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng San Miguel, Obando, at San Rafael bilang bahagi ng Distribution of Rehab Assistance to Farmers Affected by El Niño na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center […]

  • Wala nang mahihiling pa dahil ‘#blessed’ na: ‘Gift of Life’, pinaka-best birthday gift na natanggap ni MAINE

    MAY nakarating nga sa aming balita na anytime, may balak na raw mag-propose si Arjo Atayde.     Pero dahil wala pang lumalabas kung naganap na ba ito o hindi pa, baka naman nga humahanap pa ng tamang timing ang actor.     Kaya nang matanong si Maine Mendoza kung ano ang best gift na […]

  • See you in Tokyo!’—Didal

    Kinumpirma kahapon ng world skateboarding federation ang paglahok ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na buwan.     “I don’t know what to say but GRAZIE MILLE,” sabi ni Didal, kasalukuyang nasa Rome, Italy, sa kanyang Facebook post. “See you in Tokyo.”     […]