• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

REGINE, naalarma na kaya nakikiusap sa tulungang i-report ang mga fake accounts na ginawa for NATE

NAALARMA na si Regine Velasquez-Alcasid sa pagkalat ng fake socmed account ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.

 

 

Kaya naman sa Instagram post niya ay nakikiusap ang Songbird na i-report pag may nakitang account ni Nate tulad ng @booboobear_nate:

 

 

Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong mga account sa pangalan ni Nate please help me report them. Actually marami ng accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulot namin.

 

 

Alam ko naman na basta na post na ang pictures eh kahit sino pwede na gamitin yun. Pero hindi ibig sabihin nun na ok lang sakin o sa asawa ko. Hindi ko na lang pinapansin yung ibang account kasi ang hirap din for us na hanapin pa lahat.

 

 

You can post naman his pictures kasi nga like i said once mapost hindi na talaga mapipigilan. I guess hindi ako masyadong comfortable sa mga gumagawa ng accounts para sa kanya. Hindi naman sya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mga accounts na ito.

 

 

Sorry but im just trying to protect my son. So please please if you guys don’t mind stop na. Itong tiktok account na to ilang beses ko na ito inireport and I’m gonna keep reporting you or whoever na gagawa pa ng iba pang account para kay Nate.

 

 

If you guys noticed I hardly post his pictures na kasi nga binibigyan na namin sya ng privacy. Again nakikiusap ako na pag may makita kayong account ni Nate please report and don’t follow na. God Bless!”

 

 

Agad naman nag-react ang mga followers niya sa IG at nagsabing tutulong sila sa pagre-report ng mga fake accounts ni Nate, na ‘yun iba ay akala nila ay totoo, kaya pina-follow pa nila at nagla-like.

 

 

Bukod sa IG post, nag-tweet din si Regine ng kanyang saloobin tungkol sa ginagawang fake accounts ng netizens na maging siya ay naging biktima.

 

 

Post niya, Also gusto ko din sabihin na kung payagan ko na sya magkaron ng sarili nyang acc he can’t even use his name. Parang aki parang ngayon ko pa lang nagamit yung name ko. Kasi kinuha nyo na hay.”

 

 

Ang hindi ko gusto kasi yung ginagamit name nya. Why because for the longest time hindi ko magamit yung sarili kong pangalan dahil ginamit nyo na. I just don’t want him to experience that. I also don’t want people exploiting MY pix of him. You guys are breaking heart.”

 

 

Ok sinasabi nyo na if we wanted privacy for him dapat wala syang YouTube acc the point is that acc is his he ask us if can have one plus we have a group of people producing them most of all it’s with our supervision ok. That’s his not someone using his name and stealing my pix.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads February 2, 2022

  • 300 tauhan ng DOH nagpositibo sa COVID-19

    UMABOT na sa 300 tauhan ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19 habang nasa 400 naman ang sumasailalim sa ‘quarantine’ dahilan para bumaba ang kapasidad sa paggawa ng ahensya.     “Marami rin po infected, marami rin po naka-quarantine kaya ngayon po medyo mababa po ‘yung workforce namin. But we are still doing […]

  • Libreng sakay sa MRT3

    INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3.     Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) […]