• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, may inilaang P2-B relief assistance para sa Odette-hit areas

TINIYAK ng pamahalaan na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.

 

Ito’y sa kabila nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.

 

“Si Pangulong Duterte has already committed P2 billion na funding. Ang i-allocate to help ito rin. Sinabi niya sa governors na kinausap niya kahapon,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Nauna rito, nagsagawa si Pangulong Duterte ng aerial inspection, araw ng Sabado sa ilang lugar na hinagupit ni bagyong Odette gaya ng Siargao, Surigao City, Dinagat Islands at Maasin City sa Southern Leyte.

 

Nagsagawa rin ng pagpupulong ang Pangulo kasama ang local government officials sa mga nasabing lugar.

 

Sinabi pa ni Nograles na may naka-preposition ng family food packs at maging non-food items na nagkakahalaga ng P1 bilyong piso.

 

Nag-commit naman ang Department of Public Works and Highways naiki- clear ang mga lansangan sa nabanggit na lugar.

 

“Over 31 fatalities nationwide were reported after Typhoon Odette ravaged Visayas and Mindanao areas,” ayon kay Nograles.

 

Ani Nograles, mayroong mahigit na 700,000 katao sa 2,322 villages ang naapektuhan ng bagyong Odette.

 

“Sa evacuation centers, mayroon po tayong evacuees na mga 74,680 families so ito ‘yung mga kailangan nating tulungan,” aniya pa rin sabay sabing “verification on damage assessment is also still underway.”

 

Si Odette, para kay Nograles ay mas matinding bagyo kaysa kay Typhoon Sendong na tumama sa Cagayan de Oro noong 2011, na lumabas na ng Philippine Area of Responsibility subalit mananatiling mananalasa sa Kalayaan Islands sa Palawan ngayong weekend.

 

Samantala, bumisita si Pangulong Duterte sa Bohol at Cebu provinces kahapon, ayon kay Senator Christopher “Bong” Go. (Daris Jose)

Other News
  • PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong

    TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año.     “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.     “And I agree with it, E-sabong will end by […]

  • Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE

    INANUNSYO  ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epek­tibo […]

  • DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls

    MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center.     Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa.     Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]