• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto bigo sa kanyang debut game para sa Adelaide

Sumalang na si Kai Sotto sa wakas para sa Adelaide ngunit kabiguan ang bumulaga sa Pinoy sensation matapos makalasap ng 67-93 pagkatalo ang 36ers sa Cairns Taipans sa 2021-22 NBL season kahapon sa Cairns Convention Centre.

 

 

Maalat ang performance ng 7-foot-3 na si Sotto na nagtala lamang ng 1 point, 3 rebounds, 2 assists at 2 blocks sa loob ng siyam na minuto at 50 segundo para sa kanyang unang professional game sa Australia.

 

 

Hindi nakalaro ang Pinoy cager sa unang apat na laban ng 36ers sa regular season dahil sa kanyang knee injury.

 

 

Nalasap ng Adelaide ang kanilang ikatlong kabiguan sa limang laro sa NBL.

 

 

Magkakaroon ang 36ers ng 10-day break bago sagupain ang Perth Wildcats sa Disyembre 28 sa Adelaide Entertainment Centre para sa unang home game ni Sotto.

 

 

Iniwanan ng Cairns ang Adelaide sa 31-20 hanggang itarak ang 40-point lead, 89-49, patungo sa kanilang pangalawang panalo sa tatlong laban.

 

 

Pinamunuan ni Dusty Hannahs ang 36ers sa kanyang 20 points, 2 rebounds at 2 assists, habang may tig-12 markers sina Daniel Johnson at Isaac Humphries.

 

 

Naglista naman si Majok Deng ng 23 points at 7 boards para sa Taipants at nagdagdag si Stephen Zimmerman ng 18 points, 9 rebounds at 4 assists.

Other News
  • 31% ng mga Pinoy, naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon – survey

    NANINIWALA ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon.     Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at […]

  • Ads August 30, 2021

  • VP LENI sinagot pagiging top spender sa Facebook ads

    NILINAW ng isang 2022 presidential aspirant ang patungkol sa pangunguna niya sa gastusin pagdating sa campaign ads sa isang social media site, habang idinidiing ginawa ito ng kanyang mga supporter upang labanan ang “fake news” at disinformation.     Umabot kasi sa P14.1 milyong halaga ng Facebook advertisements ang nagastos para kay Bise Presidente Leni […]