• June 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ILANG KALSADA, DI PA RIN MADAANAN-DPWH

NAG-ABISO sa mga motorista ang Department of Public Works and Highways (DPWH)  na hindi pa rin maaaring madaanan ang walong kalsada habang limitado ang access ng limang pang kalsada dahil sa pagbaha, landslide, bumagsak na tulay at soil collapse o pagguho ng lupa.

 

 

Ayon sa Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang mga saradong kalsada ay ang  Puerto Princesa North Road, section sa Langogan Bridge at iba pang section sa Brgy Langogan, Puerto Princesa City sa Palawan;Daang Maharlika sa Southern Leyte; Misamis Oriental – Bukidnon – Agusan Road sa Brgy. Siloo at Brgy. San Luis. Malitbog, Bukidnon; Butuan City – Cagayan de Oro City – Iligan City Road, Old Mambayaan Bridge; Sta. Filomena – Bonbonon – Digkilaan, Rogongon Road; Sitio Salinsing, Brgy. Rogongon, Ilagan City; Dinagat-Loreto Road Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands;Bayugan-Calaitan-Tandag Road sa Brgy. Sto. Nino, Bayugan City, Agusan del Sur; Bayugan-Esperanza Road, Brgy. Nato at  Brgy Hawilian, Esperanza, Agusan del Sur.

 

 

Limitado naman ang access sa Anini-Y – T. Fornier – Hamtic Road, sa  Antique, Jct. SH Impasug-ong – Patulangan By-Pass Rd, sa  Bukidnon; Dinagat-Loreto Road , Mahayahay, San Jose, Dinagat Islands; NJR Bah-Bah-Talacogon Rd., sa  Brgy, Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur; at Butuan City-Pianing-Tandag Rd.  Brgy. Anticala, Butuan City, Agusan del Norte.

 

 

Nasa 29 kalsada naman ang nalinis na at binuksan na ng  DPWH Quick Response Teams mula sa  Regional Offices at  District Engineering Offices sa mga apektadong lugar simula   December 16, 2021.

 

 

Ang partial cost ng  pinsala sa   public infrastructure ay nanatiling aabot sa  P308.9 milyon. GENE ADSUARA

Other News
  • Sa pagbabalik-primetime sa kani-kanilang teleserye: Sang’gre na si SANYA, KYLIE at GABBI, binigyang-pugay ng GMA

    NGAYONG Saturday, June 11 na ang pagbabalik ng original cast ng GMA comedy show sa “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.”     Ang number one successful comedy show ay nagsimula noong March, 2010, at nagkaroon ng ilang relaunch, until nang magkaroon tayo ng pandemic ay iginawa ito ng prequel, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, […]

  • Ads April 7, 2021

  • Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy

    NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang  welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.       Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at […]