Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi
- Published on December 22, 2021
- by @peoplesbalita
Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.
Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang generator sets, at kahun-kahong canned goods at instant noodels.
Kaagad din naman tinurn-over ang nasabing relief supplies sa Philippine Coast Guard District Central Visayas para kaagad din itong maibigay sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Bohol ngayong araw.
Nauna nang naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang nabiktima ng Bagyong Odette.
-
Mobile Legends Tournament inilarga ni Mayor Joy
PORMAL nang inilunsad ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Acting President ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang kauna-unahang Mobile Legend Bang Bang Tournament na inorganisa ng LCP sa isang simpleng pagtitipon sa Solaire Hotel sa Quezon City. Sa media conference, sinabi ni Mayor Belmonte na ang torneo ay magbibigay daan na […]
-
PhilHealth, naging maingat sa pag-proseso sa hospital claims
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naging maingat ang state medical insurer PhilHealth sa pag-proseso ng hospital claims, na ayon sa medical facilities ay maaaring pondohan ang paggamot sa mga COVID-19 sufferers. Nauna nang sinabi ni Philippine Hospital Association na may utang ang PhilHealth sa private at public medical facilities ng P20 […]
-
Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela
UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1. Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]