Donasyon para sa binagyo, dumagsa sa Maynila
- Published on December 22, 2021
- by @peoplesbalita
Dumagsa ang libu-libong donasyon sa isinagawang ‘donation drive’ ni Manila City Mayor Isko Moreno para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Daan-daang sako ng bigas at mga donasyong pagkain ang dinala ng mga may mabubuting-loob na mamamayan sa repacking station sa P. Noval Street sa Maynila na dinagsa rin ng mga volunteers.
Pinasalamatan ni Moreno ang mga donors at kaniyang mga tagasuporta sa pagtugon sa kaniyang panawagan ng tulong sa mga kababayan.
Nitong Biyernes lamang inilunsad ni Moreno ang “Tulong ng Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette donation drive” kasabay ng apela sa mga negosyanteng Manilenyo na mag-ambagan.
“Maraming Salamat sa mga nagpadala ng tulong! Tuloy-tuloy po ang ating isinasagawang Bayanihan para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao,” ayon kay Moreno.
Una na ring inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod sa pangunguna ni Vice-Mayor Honey Lacuña ang pagpapalabas ng P2.5 milyong pondo na itutulong sa mga nasalanta.
Hahatiin ito ang P1 milyon para sa Cebu, P500,000 sa Bohol, P500,000 sa Leyte, at P500,000 sa Surigao del Norte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Itinodo ang husay at lakas sa tapatan nila ni Buboy: KOKOY, tinanghal na Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man PH’
SINO ang mag-aakala na si Kokoy de Santos na duwag sa mga horror challenges ay siya palang tatanghaling Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man Philippines’? Deserving naman si Kokoy dahil itinodo niya ang kanyang husay at lakas sa sa one-on-one match nila ni Buboy Villar kaya naman siya ang nagwagi. […]
-
DOH handa sa COVID-19 surge
TINIYAK ng Department of Health (DOH) na handang-handa sila ngayon sa anumang uri ng surge ng COVID-19 kasunod ng pag-amin na umakyat ang positivity rate nito matapos ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa. Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala na sa 7.6% ang positivity rate mula sa 6.9% […]
-
VHONG NAVARRO, SUSUKO SA NBI
NAKATANDANG sumuko sa National Bureau of Investigation o NBI ang TV host na si Vhong Navarro. Ito ay matapos maglabas ng kautusan ang Taguig Metropolitan court ng warrant of arrest laban sa actor comedian sa kasong acts of lasciviousness na isinampa noong 2014 ng model-stylist na si Deniece Cornejo. Kinumpirma ng […]