SHARON, masayang-masaya na ibinalitang magaling na si Pawiboy at makakasama na sa Christmas
- Published on December 23, 2021
- by @peoplesbalita
MASAYANG-MASAYA si Megastar Sharon Cuneta dahil sakto sa pagsi-celebrate ng Pasko ay may isa pa silang makakasama na matagal-tagal din niyang hinintay.
Sa IG post ni Mega, kasama ng mga photos, “Guess who’s home?!!! My Pawiboy!!! Just in time for Christmas.
“He is now at our vet’s clinic and when he’s given the go-signal and has rested a bit, he’s coming home to meet his fur-brothers and sisters. His bed is ready and waiting.
“We are all so excited!!! excited!!!”
At naka-tag sina @gumabaomarco at @therealrosannaroces na nakasama niya sa Revirginized.
Tuwang-tuwa rin ang kanyang followers na nakasubaybay sa kaganapan, na makita na maayos ang laki ng pinagbago ni Pawiboy at tuluyan nang gumaling sa sakit nito.
Reaction ni Marco, “Cute!!!!
At post naman ni Osang, “Almost a year mula nung una mo sya nakita sa beach.”
May nagtanong kung saan daw galing ni Pawiboy, kaya ibinahagi ni @p_hello123 ang kuwento ng pagtatagpo ni Sharon at sa sakiting aspin na pagala-gala sa beach.
“@jonhdoe1489 Pawi is a street dog who was so, so sick, but he approached Sharon during her shooting of Revirginized (in Olongapo I think). They parted ways that night, but Sharon couldn’t forget him so she made a plea in the Internet to find Pawi.
“Someone saw it and took the initiative to look for Pawi in the streets and found him. That someone worked an animal shelter. But Pawi was too sick, so he stayed in the animal shelter until he was well enough to live with Sharon and family. Sharon paid for all of his medicines and expenses while he was recuperating. And then today is their long awaited big and happy reunion. Parang pelikula … ”
Samantala, patuloy na napapanood si Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano na kung saan nagka-eksena na sila ni Julia Montes, na base nga sa mga naunang nasulat, may kaugnayan ang dalawa, na soon at malalaman kung totoo nga silang mag-ina, kaya tutok lang gabi-gabi sa Kapamilya channel, TV5 at A2Z.
***
DALAWANG pelikulang Pilipino ang napili upang lumahok sa ika-38 na edisyon ng Sundance Film Festival, ang pinakamalaking independent film festival sa Estados Unidos. Isang Filipino feature film at isang short film ang itatanghal sa festival na gaganapin sa Park City, Utah mula Enero 20 hanggang 30 sa taong 2022.
Ang feature film na Ang Pagbabalik ng Kwago (Leonor Will Never Die) ni Martika Escobar ay lalahok sa ilalim ng prestihiyosong World Cinema Dramatic section, samantalang ang short film na The Headhunter’s Daughter ni Don Josephus Raphael Eblahan ay bahagi naman ng Shorts Program 4 section. Magkakaroon ng world premiere at onsite delegation ang parehong pelikula.
“The selection of two Filipino films to participate in the Sundance Film Festival, one of the world’s largest and most influential independent film festivals, is already a huge win for Philippine Cinema. We are proud that our country’s delegation to Sundance will be led by two promising independent filmmakers, especially Martika and her film which were part of the Agency’s Full Circle Lab Philippines and CreatePHFilms funding program,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Ang pelikulang Ang Pagbabalik ng Kwago (Leonor Will Never Die) ay naging grantee ng CreatePHFilms fund at isa ring alumni ng Full Circle Lab project, kapwa mga inisyatiba ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang kuwento ay tungkol kay Leonor, isang retired screenwriter na naging bida sa sarili niyang screenplay nang siya ay ma-comatose. Ang delegasyon ng pelikula, kabilang ang direktor nitong si Martika Escobar at mga producer na sina Monster Jimenez and Mario Cornejo, ay lilipad papuntang Utah upang pisikal na dumalo sa festival.
Isinasalaysay naman ng The Headhunter’s Daughter ang istorya ni Lynn, isang nangangarap na maging country singer, at ang kaniyang kabayong si July, at ang kanilang mga hamon sa paglalakbay pababa mula sa mga kabundukan ng Cordillera upang umabot sa kaniyang pinapangarap na audition sa siyudad. Dadalhin siya ng kanyang paglalakbay sa landas kung saan nagtutunggalian ang kaniyang katutubong identidad at ang mga hindi nakikitang puwersa ng kolonyal na nakaraan. Dadalo sa festival si director Eblahan kasama ang US-based na producer na si Hannah Schierbeek.
Simula pa noong 1978, pinagsasama-sama ng taunang Sundance ang mga artista at manonood mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, itinatampok ang mga istoryang nagkikislap ng mga bagong ideya at nagbibigay tinig sa mga orihinal na boses bilang ambag sa independent storytelling.
Ang Sundance Institute ang nag-organisa ng Sundance Film Festival 2022 na idaraos sa hybrid na format. Magaganap ang festival sa Enero 20 hanggang 30 sa taong 2022.
(ROHN ROMULO)
-
80 TO 90 PORSYENTO NANG TAPOS ANG MEDICAL CANNABIS ADVOCATES
NAGAWA na ng mga scientist, doktor, imbentor at celebrity ang 80 hanggang 90 porsyento ng kanilang adbokasiya para sa medikal na cannabis. Sa isang Media Health Forum sinabi ni Dr. Donnabelle Cunanan na “80 to 90 percent na po ang achievement ng medical cannabis advocacy at hindi na po pinag-uusapan kung gamot ang cannabis, marami […]
-
3×3 tourney aprub sa PBA
INAPRUBAHAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors ang professional league men’s basketball 3×3 tournament, nabatid kahapon kay tournament chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann ng Alaska Milk. Aantayin ng liga ang permiso mula sa Inter Agency Task Force (IATF) para sa balak na three-conference format para sa unang taon nito. […]
-
ALERT LEVEL SA NCR PUWEDENG BUMABA PA
POSIBLENG mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso, ayon sa Department of Health. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ang seven-day moving average sa NCR ay 1,156. Ang average na mas mababa sa 500 tulad ng mga buwan bago […]