• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 arestado sa tupada sa Malabon

WALONG katao ang natimbog matapos salakayin ng mga awtoridad ang illegal na tupadahan sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

 

 

Ayon kay PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang mga oparatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jay Dimaandal ng impormasyon hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Block 40, Gold Fish Alley Brgy. Longos.

 

 

Agad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar kasama ang Malabon police dakong alas-4 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Alfredo Montilla, 63, Marvin Vendivil, 31, at Cornelio Solayao, 49.

 

 

Narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P500 bet collection.

 

 

Nauna rito, dakong alas-11:20 ng umaga nang salakayin ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna din ni PLT Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Dimaandal ang isa ring illegal na tupadahan sa Block 17 Dagat-dagatan, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jhonwayne Macabio, 43, Lamberto Tulyo, 40, Pablo Laban, 44, Rogelio Depeña, 56 at Richard Camacho, 43.

 

 

Nasamsam ng mga operatiba ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P11,000 bet collection. (Richard Mesa)

Other News
  • Mga guro, sakripisyo muli sa maliit na pondo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections

    https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/COMELEC-1280×720-1.pngKAILANGAN muling magsakripisyo ng mga guro na mamamahala sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023 makaraang labis na bumaba ang hinihinging dagdag na pondo ng Commission on Elections (Comelec) sa Senado.     Ito’y makaraang dumausdos sa P2.7 bilyon na lamang ang hinihi­ngi ng Comelec para sa pagdaraos ng naturang halalan mula sa […]

  • 4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y […]

  • Napagod na buhay na parang naka-kahon: HEART, masaya sa naging desisyon at ipaglaban ang kaligayahan

    NAKAUSAP namin si Heart Evangelista kamakailan sa launch niya bilang celebrity endorser ng Zion massage chair at isa sa natanong naming sa kanya kung sino si Heart Evangelista ngayon?     “I think… oh wow! I’ve come a long way… I feel… Before I would say I’m thirty-ganyan but I have the mind of a […]