• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR ‘high risk’ na sa COVID-19 Omicron variant

Nasa high risk classification na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng reproduction number at positivity rate sa rehiyon.

 

 

Kasabay nito, tumaas din ang hospital bed occupancy sa 41% kumpara noong nakaraang linggo.

 

 

Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa 4.05 ang reproduction number sa NCR na naita­lang pinakamataas simula noong Abril 1, 2020 pa.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyenteng may COVID. Ang reproduction number na 4.05 ay indikasyon na bumibilis ang hawaan ng virus sa NCR.

 

 

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 2,530 bagong kaso ng sakit ang naitala sa NCR noong New Year’s Day, na pinakamataas sa loob ng tatlong buwan o simula noong Oktubre 10, 2021.

 

 

Simula Disyembre 26, 2021 hanggang Enero 1, 2022, ang seven-day ave­rage ng mga bagong kaso ay tumaas pa ng 969% o mula 90 lamang ay naging 962 na.

 

 

Batay pa rin sa pinakahuling update ng OCTA, ang daily positivity rate sa NCR ay tumaas pa sa 28.03%, mula sa dating 21% lamang.

 

 

“With the increase in positivity rate, NCR is now classified as high risk,” ani David.

 

 

Samantala, inirekomenda ng OCTA sa pamahalaan na muling ilagay ang NCR sa ‘bubble system’ upang mapigilan ang posibleng pagkakaroon muli ng ‘COVID-19 surge’.

 

 

Nabatid naman na ang bilang ng mga okupadong hospital beds para sa mga COVID-19 patients sa NCR ay tumaas mula sa 1,381 lamang noong Disyembre 24 ay naging 1,942 na noong Disyembre 31.

 

 

Sinabi pa ni David na umaasa silang makatutulong ang pagsasailalim muli sa NCR sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022 para mapigilan ang higit pang pagkalat ng bagong COVID-19 infections. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 12, 2022

  • Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit

    POSIBLE  umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert.     “’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho […]

  • Nagpapagaling na matapos maoperahan: GARDO, inatake sa puso dahil sa matinding physical activities

    DINALA sa ospital noong nakaraang linggo ang aktor na si Gardo Versoza matapos na atakihin sa puso.     Ayon sa misis ng aktor na si Ivy Vicencio, nanakit ang likod ng aktor, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan. Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya […]