• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron unang may edad na NBA player na nagbuhos ng 43-pts at 14 rebounds sa panalo ng Lakers

Buwena mano sa kanyang selebrasyon ng ika-37 kaarawan, muling nagpakitang gilas sa kanyang performance ang superstar na si LeBron James upang bitbitin sa panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Portland Trail Blazers, 139-106.

 

 

Nagbuhos si LeBron ng season-high na 43 points at 14 rebounds para sa kanilang ika-18 panalo.

 

 

Batay sa record ng NBA si James ang pinakamatanda sa kasaysayan na nagtala ng maraming puntos at rebounds.

 

 

Huling nakagawa ng ganito ay ang basketball legend na si Larry Bird na may edad noon na 35-anyos, taong 1992 nang magtala naman ng 49 points at 14 rebounds.

 

 

Sa nakalipas na huling pitong laro, nag-a-average si LeBron sa 36 points.

 

 

Samantala nag-ambag rin naman sa panalo si Russell Westbrook na kumamada ng panibagong triple double performance gamit ang 15 points, 13 rebounds at 12 assists.

Other News
  • Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12

    NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.     Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at […]

  • Nanumpa na si Cong. Ralph bilang Sec. of Finance: VILMA, matagal nang sinusuyo para mapabilang sa mga kabinete ni PBBM

    NANUMPA na noong Biyernes, Enero 12 bilang Secreatary of Finance ang asawa ni Star for All Seasons Vilma Santos na si Cong. Ralph Recto.   Kinuha at mismong si Presidente Ferdinand Marcos ang nakiusap kay Cong. Ralph na hawakan ng dating senador ang naturang posisyon.   Kaya iiwanan niya ang pagiging Deputy Speaker ng Kongreso […]

  • PIOLO, puring-puri ng netizens habang may panlalait kina SAM at JOHN LLOYD sa throwback post ni ERIK

    KAALIW naman ang throwback post ni Erik Santos sa kanyang IG account na kung saan kasama niya sa photo sina John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Sam Milby at Piolo Pascual.     May caption ito ng, “ASAP ‘08 in Guam! @asapofficial #Throwback .”     OMG, ganun na pala ‘yun katagal at pansin ng netizens […]