• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2021, ‘golden year of PH sports’ – POC

Maituturing umano bilang “golden year” sa mundo ng sports ang 2021.

 

 

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sa taong ito kasi nakamit ng bansa ang makasaysayang “breakthrough” partikular sa Olympic Games.

 

 

Nabatid na nasa Tokyo International Forum si Bambol nitong July 26 noong masungkit ni Hidilyn Diaz ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas matapos manalo sa women’s 55kg division sa weightlifting.

 

 

“This is a year of congratulations for all of us, for breaking several milestones in our sports,” ani Tolentino.

 

 

Dagdag nito na maaaring maraming negatibong idinulot sa ating buhay ang Coronavirus Disease pandemic pero mas nangibabaw pa rin ang tatag ng mga Pilipino.

 

 

Sa ngayon aniya ay mayroon nang isang ginto, apat na silver at walong bronze medal ang bansa mula sa Olympics na nakamit dahil sa pagkakaisa ng mga atleta at coach sa iba’t ibang National Sports Associations.

 

 

“This year is marked by a spirit of happiness for the blessings we have received,” wika pa ng POC president.

Other News
  • Ads September 11, 2021

  • North Korea muling nagpalipad ng cruise missiles

    NAGPALIPAD muli ng dalawang cruise missles ang North Korea.     Ayon sa Seoul, ito na ang pang limang missile launch na isinagawa ng North Korea ngayong taon.     Huling nagsagawa ng maraming mga missile test ang North Korea ay noong 2019 matapos ang bigong negosasyon nina North Korean lider Kim Jong-Un at dating […]

  • Pagtalaga kay ex-PNP chief Cascolan bilang DOH official kinastigo

    KINUWESTIYON ng ilang grupo ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay dating police chief Camilo Cascolan bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH) — ito kahit hindi siya healthcare worker at wala pa ring secretary ang DOH.     Linggo lang nang kumpirmahin ng kagawaran ang pagkakatalaga ng dating pinuno ng Philippine […]