Unvaccinated vs COVID-19 bawal lumabas ng bahay sa NCR Alert Level 3 — MMDA
- Published on January 4, 2022
- by @peoplesbalita
Nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” — ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula ika-3 hanggang ika-15 ng Enero dahil sa biglaang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.
“Ito’y in principle napag-agreehan nila [Metro Manila mayors], ‘yung mga walang bakuna [laban sa COVID-19]… they shall remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services,” ani MMDA chair Benhur Abalos, Lunes, sa isang briefing.
“[The latter includes], but [are] not limited to food, water, medicine, medical devices, public utilities and energy, work and medical and dental necessities.”
Sa kabila nito, papayagan pa rin naman daw ang individual outdoor activities at exercise sa labas ng “general area of residence” o sa loob ng sumusunod na lugar alinsunod sa guidelines ng Metro Manila local government units:
- baranggay
- purok
- subdibisyon
- village
Kaugnay pa rin kasi ito ng katotohanang karamihan ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay panay mga hindi pa nakakukuha ng kumpletong primary series ng bakuna, dahilan para hindi sila magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.
“Para ano rin ito, para kang nag-[Enhanced Community Quarantine] only for the unvaccinated, for their own protection,” dagdag pa ni Abalos.
“Dapat nasa bahay lang sila. Pwede silang lumabas kung bibili lang sila ng goods and services.” (Daris Jose)
-
SARAH, strong, beautiful, powerful at superwoman ayon kay MATTEO; wish na magka-baby na sila
SA tuwing magpo-post si Matteo Guidicelli tungkol sa wifey na si Sarah Geronimo, punum-puno talaga ito ng ka-sweet-an. Sa 33rd birthday ng Popstar Royalty noong July 25, ipinakita na naman ni Matteo ang labis labis na pagmamahal kay Sarah. Sa Instagram post niya, “Happy birthday my wife! Blessed to be beside […]
-
Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan. Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016. “Ang timeline ko rito mga six months […]
-
PBBM, may 80 infra projects maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund
TINATAYANG 80 infrastructure projects, ang maaaring pondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ipinahayag ito ng Pangulo sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Ritz-Carlton Hotel. “In addition, we look forward to the operationalization of the Maharlika Investment Fund, the country’s first ever sovereign investment fund. It will serve as an […]