• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, Cavite at Rizal, alert level 3 na rin

BUNSOD ng pagsirit ng COVID-19 cases sa ilang lokalidad, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Lunes ang rekomendasyon ng kanilang sub-Technical Working Group on Data Analytics na itaas ang Bulacan, Cavite, at Rizal sa Alert Level 3.

 

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, epektibo ngayong araw, Enero 5 hanggang Enero 15, 2022 ang alert level 3 sa mga nasabing lugar.

 

 

Matatandaang,  isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula ika-3 hanggang ika-15 ng Enero dahil sa biglaang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.

 

 

Sinabi naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” —  ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon.

 

 

“Ito’y in principle napag-agreehan nila [Metro Manila mayors], ‘yung mga walang bakuna [laban sa COVID-19]… they shall remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services,” ani MMDA chair Benhur Abalos.

 

 

“[The latter includes], but [are] not limited to food, water, medicine, medical devices, public utilities and energy, work and medical and dental necessities.”

 

 

Sa kabila nito, papayagan pa rin naman daw ang individual outdoor activities at exercise sa labas ng “general area of residence” o sa loob ng sumusunod na lugar alinsunod sa guidelines ng Metro Manila local government units:

 

baranggay

purok

subdibisyon

village

 

 

Kaugnay pa rin kasi ito ng katotohanang karamihan ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay panay mga hindi pa nakakukuha ng kumpletong primary series ng bakuna, dahilan para hindi sila magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.

 

 

“Para ano rin ito, para kang nag-[Enhanced Community Quarantine] only for the unvaccinated, for their own protection,” ani Abalos sabay sabing “Dapat nasa bahay lang sila. Pwede silang lumabas kung bibili lang sila ng goods and services.”

 

 

Papayagan pa rin naman daw ang interzonal at intrazonal movement sa ilalim ng Alert Level 3 ayon sa panununtunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, ngunit pwedeng magpatupad ng “reasonable restrictions” ang mga local government units basta’t hindi ito mas strikto sa mas mataas na Alert Level systems.

 

 

Samantala, para sa mga wala pang 18-anyos o mga bulnerable ang kalusugan, ay papayagan din namang makakuha ng essential goods and services o para makapagtrabaho sa mga pinapayagang industriya o opisina basta’t alinsunod ito sa mga existing rules and regulations.

 

 

“Individual outdoor exercises shall also be allowed for all ages regardless of comorbidities or vaccination status,” pahayag ni Abalos sabay sabing “So covered pa rin tayo nitong IATF [policies]. Ang ginawa lamang nito… mas hinigpitan lang nating mga mayors ang mga unvaccinated. It is also for their own protection habang nasa Alert Level 3.”

 

 

“For all you know, after two or three weeks tapos na tayo so balewala na po ito. It is only during Alert Level 3, dahil pinapakita naman ng siyensya na karamihan naman ng tinatamaan ng severe at fatality ang mga unvaccinated,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabila nito, wala pa rin naman daw nakikitang rason ang mga LGU na ire-impose ang mga curfews habang nasa Alert Level 3 ang NCR.

 

 

Maliban pa rito, suspendido raw muna ang mga face-to-face classes mula ngayong araw hanggang ika-15 ng Enero. (Daris Jose)

Other News
  • VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

    HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.     Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]

  • Nang tinawag na ‘next John Lloyd Cruz’: JOSHUA, honored at inaming nakatulong sa pagiging aktor

    WALANG ibang maaaring mag-claim na siya ang “next John Lloyd Cruz” kundi si Joshua Garcia.     At ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito?     “Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.     […]

  • “SUZUME” UNVEILS OFFICIAL TRAILER AHEAD OF MARCH 8 OPENING IN PH

    WARNER Bros. Philippines has just released the official trailer of the eagerly anticipated film Suzume opening in cinemas nationwide starting March 8, 2023.     YouTube: https://youtu.be/IGzBYaPNQRM     In one week, Suzume’s journey begins. Don’t miss the NEW #15 All-Time Film in Japan from Makoto Shinkai, the director of your name. and Weathering With You.  Doors have started opening for advance screening […]