Omicron magiging dominant variant sa loob ng 3-4 linggo
- Published on January 5, 2022
- by @peoplesbalita
Inaasahan na magiging dominanteng variant ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron variant sa susunod na tatlo o apat na linggo.
Ayon kay DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, nananatiling dominanteng variant pa rin ang Delta ngunit maaaring agad na malagpasan ito ng Omicron dahil sa ulat ng bilis ng ‘incubation’ nito at mas madaling maipasa sa ibang tao.
“I think in about three to four weeks, as predicted, the Omicron will be dominant in terms of 50% to 90% of the cases, overtaking the Delta virus,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Vega na ang COVID-19 infections ay magpi-peak pa sa mga susunod na araw, at wala pang katiyakan kung mababawasan ito.
Paliwanag niya, ang Omicron ay may mas mataas na high transmissibility rate, na nasa 30 hanggang 50%, kumpara sa Delta.
“We are preparing our health system capacity, our testing, isolation so that we are all prepared in this another ride in the wave of this Omicron virus,” ani Vega.
Samantala, pinawi rin ng opisyal ang pangamba ng publiko laban sa napaulat na sakit na Florona, na kumbinasyon umano ng trangkaso at COVID-19 at unang natukoy sa isang buntis sa Israel.
Ayon kay Vega, hindi pa ito concern ngayon sa Pilipinas at maaari lamang itong mangyari kung mahina ang immunity ng isang tao at walang anumang proteksiyon laban sa mga virus.
-
Quezon City University libre tuition fee
HINDI na magiging problema ang tuition fee ng mga graduating sa senior high school at papasok sa kolehiyo dahil libre ang tuition fee sa Quezon City University (QCU). Ayon kay Theresita V. Atienza, Pangulo ng QCU, dapat na samantalahin ang libreng college education na ino-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod matapos […]
-
PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS
NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding. Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]
-
Malakanyang, hiniling sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law
HINILING ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at nagpapatuloy na situwasyon sa Ukraine na inaasahang mayroong economic impact sa Pilipinas. Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa […]