• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena handang sagutin ang kaso sa kanya ng PATAFA

Nalungkot pero hindi na nasorpresa si Filipino Olympic pole-vaulter EJ Obiena sa desisyon ng Philippine Atheltics Track and Field Association (PATAFA) na tanggalin siya sa national team at sampahan ito ng kaso.

 

 

Sinabi nito na tila guminhawa na ang kaniyang pakiramdam dahil sa alam niyang kakasuhan siya at handa nitong harapin ang anumang kaso ang isasampa sa kaniya.

 

 

Umaasa ito na magkakaroon siya ng pantay na pagtrato sa korte at para matapos na ang walang basehan na paghahanap ng butas sa kaniya.

 

 

Patuloy na iginigiit nito na naayos na lahat ng mga bayarin niya sa kaniyang coach at ito ay isinagawa sa legal na pamamaraan.

 

 

Labis lamang ito ng nalungkot dahil maging ang pangalan ng kaniyang coach na si Vitaly Petrov at adviser na si Jim Lafferty ay nadamay sa nasabing akusasyon ng PATAFA.

Other News
  • Konstruksyon ng MRT -7 sa Kyusi pinahinto

    PINAHINTO ni QC Mayor Joy Belmonte ang construction ng MRT-7 sa bahagi ng Quezon City Memorial Circle (QCMC), dahil sa banta na posibleng humina ang pundasyon ng naturang park.   Bukod dito ay may banta umano na posibleng masira ang isang sikat na heritage park told ng QCMC na maituturing na mukha ng Kyusi.   […]

  • Kelot na tumangay sa bag ng ginang, arestado sa Valenzuela

    ISINELDA ang isang lalaki matapos tangayin ang bag ng isang out-patient na babae sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.     Kinilala ni PLt Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 ng Balubaran, Brgy., Malinta ng lungsod na nangagarap sa kasong Theft.     Ayon sa […]

  • Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators

    Magpapatuloy ang Kamara  sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator. Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas. Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on […]