• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes

Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa.

 

 

Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa Enero 15 bago pa man magdesisyon kung papalawakin ba o hindi ang pilot implementation ng face-to-face classes.

 

 

Nauna nang sinabi ng DepEd na mabubukas sila ng mas marami pang mga paaralan para sa physical classes ngayong Enero bilang bahagi ng expansion phase.

 

 

Pero ayon kay Briones, sa ngayon ay isinasapinal pa nila ang kanilang report, na nakatakdang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa kasalukuyan, sinusunod ng DepEd ang three-phased plan para unti-unting buksan ang mga basic education schools, na karamihan ay sarado magmula noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Kalagitnaan ng Nobyembre hanggang noong Disyembre ang pilot phase, na sinalihan ng nasa 300 paaralan.

 

 

Samantala, sinabi naman niEducation Assistant Secretary Malcolm Garma na suspendido pa rin ang in-person classess sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mas maraming ayuda, suspended oil tax -PDu30

    SINABI ng Department of Finance (DOF) na ang ginawang pagbibigay ng ilang beses na cash aid sa gitna ng napakatagal na pandemya habang inalis ang oil taxes nang tumalon naman ang global prices sa pinakamataas na record nito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pumalo sa P15.4 trillion ang public debt ng Pilipinas […]

  • ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’

    NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night.     Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]

  • Tokyo Olympics tuloy pa rin kahit wala pang bakuna sa COVID-19

    MAGPAPATULOY pa rin ang Tokyo Olympics sa 2021 kahit wala pang bakuna laban sa coronavirus.   Ayon kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach na walang magiging problema sa pagsagawa ng torneo kahit na wala pang bakuna.   Inihalimbawa nito ang pagbabaik na ng Tour de France kung saan naging matagumpay ito ngayong taon. […]