• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NON-MANILA RESIDENTS, PUWEDENG MAKAKUHA NG ANTI-COVID DRUGS SA MAYNILA

SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng Anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng  Maynila ang mga non-Manila residents .

 

 

Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.

 

 

“Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila.  Ang importante, mabuhay ‘yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya.  Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay.  They can avail these medicines.  Basta mabuhay lang ‘yung tao,” ayon kay Domagoso.

 

 

Nitong nagdaang ilang araw ay abala ang mga kawani ng city government na mamahagi ng kahon-kahong Molnupiravir sa mga nangangailangan dahil ito ay unang oral antiviral  drug na sinasabing nakakabawas sa peligro ng pagkakaospital  at pagkamatay ng COVID  patients ng 50%.

 

 

Pinipigilan din nito ang banayad hanggang katamtamang mga kaso ng COVID-19 mula sa pag-unlad sa malubhang sakit sa kondisyon na ang gamot ay iniinom sa unang limang araw ng impeksyon.

 

 

Aabot sa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang binili ng Manila LGU  at idiniliver sa  Sta. Ana Hospital noong November.

 

 

Ayon kay Domagoso, may panibagong delivery ng Molnupiravir ang inaasahang darating sa katapusan ng January dahil sa mataas na demand para sa gamot sa gitna ng bagong surge ng COVID cases.

 

 

“All they have to do is coordinate sa ating Manila Health Department or dun sa mga pinopost naming numero, tawagan lang nila at idedeliver natin at i-eextend natin yung mga gamot laban sa Covid-19. Reseta lang talaga kailangan. Kasi we could not dispense without the prescription,” paalala pa ni Domagoso. GENE ADSUARA

Other News
  • Ginawang isyu ang hindi pagho-host: CATRIONA, kinumpirma na imbitado sa coronation night ng ‘2022 Miss Universe Philippines’

    KINUMPIRMA ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na imbitado siya sa coronation night ng 2022 Miss Universe Philippines sa April 30.     Ginawang issue kasi ng maraming netizen ang hindi pagkakasali ni Queen Cat sa mga maghu-host ng MUP 2022 na Miss Universe winners na sina Pia Wurzbach, Iris Mittenaere at Demi-Leigh Nel-Peters.   […]

  • Ads July 17, 2020

  • Bebot na ‘tulak’ laglag sa P238K droga sa Valenzuela

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang babae na umano’y tulak ng illegal na droga matapos madakip sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.       Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Noezel, 36, (SLI/Pusher) ng Brgy. […]