Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays
- Published on January 11, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw.
Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del Rosario isang araw matapos maitala ang pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases sa kasaysayan ng Pilipinas, kasabay ng pagdami ng cases ng mas nakahahawang Omicron variant.
“Just last night, more healthcare workers were tested and we had about 86 [new] healthcare workers who are positive,” ani Del Rosario sa panayam ng CNN Philippines, Lunes.
“If you do the math, 310 plus 86 we’re almost close to 400 healthcare workers who got COVID.”
Karamihan daw sa kanila ay nahawa nitong holiday season, lalo na’t bibihira lang daw ang nahahawaan sa COVID-19 wards ng ospital dahil sa pagsusuot ng tamang personal protective equipment.
Kamakailan lang nang sabihin ng Filipino Nurses United na “delikado” at “hindi patas” ang direktibang paiksiin ang quarantine at isolation peiod ng healthcare workers patungong five days lalo na kung kulang sa manpower.
Pangamba tuloy ngayon ni Del Rosario, maaaring nakasalamuha ng mga naturang healthcare workers ang maraming tao. Hinihiling ng kanilang trabaho na humarap sila sa marami araw-araw habang nasa gitna ng malubhang pandemya at krisis.
“For every one [COVID-19] infected healthcare worker, there are probably three who got exposed. That was last week. Hopefully that ratio will now go down because people are more aware again,” wika pa ng PGH official.
“Some of them are probably towards the tail end of their isolation… but it’s so fluid that everyday we’re testing healthcare workers because some of them are really becoming symptomatic and we have to check.”
Pagmamay-ari ng gobyerno ang PGH at pinatatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas-Maynila, na kilalang takbuhan ng maraming kapos sa pera.
Hinihiling naman ngayon ng Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) na ma-release agad ang hazard pay at special risk allowance ng medical technologists na nagtratrabaho sa gobyerno’t pribadong sektor lalo na’t marami sa kanila ang nagkakaroon na ng mild at moderate COVID-19.
Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, aabot na sa 2.96 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 52,150 katao.
-
PBBM VOWS TO ESTABLISH MORE KADIWA CENTERS IN THE COUNTRY
PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. has vowed to establish more ‘Kadiwa ng Pangulo’ centers in the country to help local producers earn a higher income by eliminating intermediaries and, at the same time, allow consumers to buy agricultural products and other goods at a lower price. The President made this remark in an interview with […]
-
Pagbati bumuhos sa pagkapanalo ni Matsuyama na unang Japanese na nagwagi sa Masters
Pinangunahan mismo ni Tiger Woods ang pagbati sa Japanese golf player na si Hideki Matsuyama matapos magwaig ito sa The Masters sa Augusta, Georgia. Tinalo kasi ni Matsuyama si Will Zalatoris ng US at siya ang unang Japanese na nakakuha ng nasabing titulo. Sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binati ni Woods ang […]
-
Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC
BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Centers Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Pangunahing itinaguyod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay […]