• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa Asya mas dumoble dahil sa Omicron

MABILIS ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Asya.

 

 

Itinuturing na nagtala ng all-time records ang Australia at Pilipinas habang ang India ay mayroong seven-month high nitong Enero 8.

 

 

Nagtala ang Australia ng 116,025 na kaso nitong Sabado na nahigitan ang dating record nito na 78,000 habang ang Pilipinas ay mahigiti 28,000 ang naitala na siyang pinakamataas sa loob ng dalawang araw.

 

 

Umabot naman sa 141,986 na bagong kaso rin ang naitala ng India sa loob rin ng isang araw.

 

 

Sumipa naman sa 8,480 ang naitalang kaso sa Japan mula ng tanggalin ang State of Emergency noong Setyembre.

 

 

Bumaba naman ang kasong naitala sa China kung saan mayroong 159 na kaso nitong Biyernes na mas mababa sa naitalang 174 noong nakaraang mga araw na karamihan ay mga 95 locally transmitted cases sa Henan at Shanxi province.

Other News
  • Training ng PBA teams balak sa MGCQ areas

    Ang mga training facilities sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas ang magiging sagot upang masimulan ang pagsasanay ng mga PBA teams.     Kaya naman umaasa ang pamunuan ng PBA na makakakuha ito ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para maumpisahan na ang scrimmages ng mga ito.     Sinabi ni PBA […]

  • Mister na wanted sa kidnapping sa Caloocan, timbog

    MAKALIPAS ang mahigit 19 taon, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isang mister na wanted sa kaso ng kidnapping sa isang menor-de-edad matapos maaresto ng pulisya sa ilegal na droga sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “Michael”, 48 ng Brgy., 176, […]

  • Pagtama ng COVID 19 kay Vaccine czar Carlito Galvez at sa pamilya nito, katunayan na hindi dapat pang magpaka- kampante- Sec. Dizon

    HINDI dapat maging kampante ang publiko laban sa Covid 19 matapos na tamaan ng nasabing sakit si Chief Implementer Carlito Galvez at pamilya nito.     Malinaw lamang ani Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon na naririto pa ang virus sa bansa.     Bahagi ito ng naging ulat ni Dizon kay Pangulong Rodrigo Roa […]