Face-to-face college classes simula na sa Enero 31
- Published on January 13, 2022
- by @peoplesbalita
GAYA nang pinlano, nakatakdang magsimula ang limited face-to-face classes para sa higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa Pilipinas sa Enero 31.
“The date of the phase 2 of the implementation of limited face-to-face classes for all programs of HEIs in areas under Alert Level 3 should begin on 31 January 2022 (Monday),” ayon sa advisory ng CHED.
Sa phase 2, tinukoy ng CHED ang plano nito “as early as November 2021” na ang face-to-face classes sa HEIs ay itutuloy sa Alert Level 3 areas. Ang face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang alert levels ay nagsimula na noong Disyembre 2021, kung saan ito’y phase 1 ng reopening plan ng CHED.
Ang muling pagbubukas ng klase ay hindi sapilitan sa mga kolehiyo at unibersidad. Maaaring ipagpatuloy ng school administrators ang kanilang online classes kung sa tingin ng mga ito ay mas makabubuti para sa kanilang mga estudyante.
“If they wish to hold face-to-face classes, schools must first comply with standards set by CHED for safe classes. For Alert Level 3 areas, HEIs must only allow a maximum of 30% indoor venue capacity, and 50% outdoor capacity for fully vaccinated individuals only. Unvaccinated students cannot join,” ayon sa CHED.
Gayunman, ang guidelines ay ginawa ng gobyerno ng Pilipinas bago pa manalasa ang nakahahawang Omicron variant sa bansa.
Noong panahon na iyon, ang gobyerno ay nahaharap lamang sa Delta variant ng virus. Ang Omicron ay “three to five times more infectious” kumpara sa Delta.
Samantala, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naipalalabas ng CHED ang listahan ng mga eskuwelahan na nag-apply para sa reopening sa Alert Level 3 areas.
-
Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France
NAKAKUHA ang Pilipinas ng €150-million o mahigit na ₱9 billion policy-based loan mula France para idagdag at gamitin sa “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre 29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]
-
Navotas Greenzone Park Phase 3
PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong bukas na Navotas Greenzone Park Phase 3 na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North. Ang parke ay isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA). (Richard Mesa)
-
Ang desisyon ng Korte Suprema: PAGCOR at PCSO, ibigay ang dapat sa PSC
HABANG marami ang mga negosyante at pulitiko ang nagbigay ng pabuya sa mga Olympians natin, higit na mahalaga ang naging hatol ng Korte Suprema sa kasong Joseller M. GUIAO VS PAGCOR, PSO et al (G.R. no. 223845, may 28 2024). Si Guiao ay mas kilala na coach Guiao sa mga sports fans. Ito na […]