• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, hindi maaaring magdeklara ng nationwide ‘academic break’

HINDI puwedeng mag-anunsyo ang Department of Education (DepEd) ng nationwide “academic break” sa kabila ng mataas na bilang ng mga mag-aaral at guro na mayroong flu-like symptoms o nagpositibo sa Covid-19.

 

 

Ito’y matapos na manawagan ang isang grupo ng mga guro sa pamahalaan na magdeklara ng two-week “health break” sa mga eskuwelahan na nasa ilalim ng Alert Level 3 gaya ng National Capital Region kung saan ay 55.1% ng 7,448 public school teachers ay may sakit, ayon sa survey.

 

 

Sa isang online media forum, tinukoy ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang Covid-19 situation ay iba-iba sa bawat parte ng bansa kaya’t hindi maaaring magdeklara ng nationwide “academic break” ang DepEd.

 

 

“Kung ano iyong sitwasyon sa Covid-19 ay dapat may angkop na aksiyon ang ating mga principal, mga school superintendent,” anito.

 

 

Idinagdag pa nito na ang payo ng Department of Health ay kailagan kapag nagdeklara ng “academic break” dahil sa health concerns.

 

 

Bilang konsiderasyon sa situwasyon ng mga mag-aaral lalo na sa mga pampubikong paaralan, sinabi ni San Antonio na maaari lamang magpatupad ng “academic ease” policy kung saan ang mga requirements ay maaaring isumite pagkatapos o may certain learning module activities ang maaaring ikunsiderang opsyonal.

 

 

Ang mga public schools na nais na mag-“take a break”ay kailangan na mag-adjust para ma- meet ang bilang ng mga school days para sa academic year.

 

 

May ilang higher education institutions at private schools ang nagsuspinde ng kanilang klase para sa loob ng dalawang linggo simula Enero 10 dahil karamihan sa kanilang mga estudyante at mga guro ay nakararanas ng flu-like symptoms. (Daris Jose)

Other News
  • Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look

    SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.   Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.     “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]

  • Libreng-libre nang mag-celebrate ng 5th anniversary… BARBIE, proud na pinost na ka-holding hands si JAK at may caption na ‘O Aking Tahanan’

    PATULOY ang pagpapakilig ng JulieVer tandem nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa TikTok.   Ang latest na pampakilig nila sa kanilang mga fans ay ang sarili nilang rendition ng Ed Sheeran song na ‘How Do You Feel’.   Kung hindi nga sila sumasayaw ay kumakanya sina Julie at Rayver na bentang-benta sa […]

  • Basketball rings sa QC, pinagbabaklas

    DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.   “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]