• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, nagbabala ng mas mabigat na parusa sa mga gagamit ng pekeng vaccine cards

NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay ng paggamit ng pekeng vaccination card at ang pagpuslit sa mga border control.

 

 

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, haharap sa mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling lalabag sa naturang panuntunan ng ating pamahalaan kabilang na riyan ang pagkakakulong.

 

 

Ginawa ng heneral ang pahayag kasunod ng mga napaulat na mayroon daw mga indibidwal na nagpiprisinta ng mga pekeng vaccination cards sa mga checkpoints.

 

 

Binigyan diin ni Calos na ang ginagawa ng ating mga kababayan ay malinaw na paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law.

 

 

Kaya naman, kapag mayrong falsification, tampering o paggamit ng vaccination card ay magmumulta ang mga ito ng P20,000 hanggang P50,000 na multa o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.

 

 

Una rito bases sa post ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani ng dalawang larawan ng nakumpiskang vaccination cards na iprinisinta ng dalawang katao sa border checkpoints.

 

 

Naghinala na raw kaagad ang mga otoridad sa naturang vaccine card dahil ay gap sa una at ikalawang dose ay 10 araw lamang.

 

 

Sa ngayon kasi ay madali na lamang malaman ng PNP kung peke ang naturang mga vaccine cards dahil mayroon silang acces sa electronic verification system para i-check kung ang mga indibidwal ay bakunado na o hindi sa pamamagitan ng database ng respective local government units (LGUs) Department of Health (DOH). (Gene Adsuara)

Other News
  • Pinas, bahagi na ng ‘VIP Club’

    BAHAGI na ng ” VIP Club” ang Pilipinas, listahan ng Southeast Asian countries na may best-performing economy.     Sinabi niĀ  PangulongĀ  Ferdinand R. Marcos Jr. na binansagan ng economic leaders sa World Economic Forum (WEF) ang Pilipinas bilang bahagi na nga ng “VIP Club.”     Tinuran ng Pangulo na ang partisipasyon ng Pilipinas […]

  • Senior high students mauuna sa face-to-face classes

    Posible na mauna ang mga senior high school (SHS) students na makapag-face-to-face classes sakaling payagan na ito ulit ng gobyerno.     Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa ngayon ay patuloy na ang paghahanda ng ahensiya para sa dry run ng limited face-to-face classes habang hinihintay ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at […]

  • Ej Obiena nagtapos sa ika-4 na puwesto sa Berlin Tournament

    Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ISTAF Berlin Tournament sa Germany.     Nabigo kasi ito sa 5.81-meter mark na talunin sa nasabing torneo.     Pawang mga Americans ang nakakuha sa una hanggang pangatlong puwesto na pinangunahan ni Sam Kendricks, Christopher Nilsen at KC Lightfoot.     Magugunitang […]