• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI, kumbinsidong walang nangyaring hacking sa datos ng Comelec para sa 2022 polls

NAGSASAGAWA ng site inspection ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Rosa, Laguna.

 

 

Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may nangyari umanong hacking sa data ng Comelec para sa papalapit na May 2022 elections.

 

 

Sinabi ni officer-in-charge Eric Distor na kumbinsido sila na walang nangyaring hacking sa lugar matapos silang magsagawa ng configuration at testing dito.

 

 

Samantala, sa hiwalay na pahayag naman ay sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevara na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa Comelec at nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI cybercrime division at special project team ukol dito at may ilang mga dokumento na rin ang itinurn-over sa bureau upang isailalim sa validation at authentication.

 

 

Binigyang diin naman ni Comelec Commisioner Marlon Casquejo na stand alone ang kanilang sistema at hindi ito connected sa internet o sa kahit na anong network.

 

 

Magugunita na kamaikailan lang ay pinabulaanan ng Comelec ang iniulat ng Manila Bulletin na may nakapasok umano na mga hacker sa mga server poll ng komisyon upang magnakaw ng mga sensitibong impormasyon na may kaugnayan sa 2022 polls. (Gene Adsuara)

Other News
  • Special Education Learners sa Navotas, binigyan ng tablets

    NAKATANGGAP mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga tablets ang aabot sa 312 tablets para sa Learners with Special Education Needs (LSENs) na mga residente ng lungsod.     Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay mula sa pondo ng Gender and Development (GAD) ng lungsod.     Maliban sa mga tablet na […]

  • Women’s football team ng bansa tinambakan muli ang Tonga 5-0

    MULING tinalo ng Philippine women’s football team ang Tonga 5-0 sa ginanap na international friendly nitong Sabado, Abril 30 sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.     Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Namuno sa laro sina Anicka Castaneda, Eva […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 55) Ang pagwawakas…

    KAHIT NAKAUSAP na ni Regine si Bernard tungkol kay Roden ay hindi pa rin siya mapalagay. Kaya’t nagpasya siyang pumunta ulit sa ospital upang makabalita at siguraduhin ang ligtas niyang sitwasyon. Sa kuwarto ni Bela sa ospital ay nadatnan niya si Cecilia at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay naroon na agad ang pagdududa […]